Abot Langit ang pagsisigaw nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, head ng National Task Force COVID-19, at Cabinet Secretary Karlo Nograles na bawal pa ang online sabong subalit marami pa rin ang nagpupumilit pumasok sa naturang negosyo. May katwiran namang pasukin ng mga pulitiko at negosyante ang online sabong dahil limpak-limpak na salapi ang iniakyat nito sa bulsa nila samantalang ang gobyerno ni President Digong ay BOKYA dahil hindi sila nagbabayad ng buwis.
Kaya tama lang ang panukala sa Tongreso... este Kongreso pala na patawan ng buwis ang online sabong nang sa gayon ay kumita ang gobyerno ni President Digong at magkaroon ng pandagdag sa gastusin sa COVID-19. Dipugaaaa! Get’s n’yo mga kosa?
Sa totoo lang, marami akong na-monitor na miting ng mga pulitiko at negosyante nitong nagdaang mga araw at kasama sa mga sumipot ay ang management ng DreamWorld, ‘yung online sabong na ni-raid ni PRO1 director Brig. Gen. Jun Azurin sa Pangasinan. Nagkaroon din ng get-together sa isang hotel sa Central Luzon kung saan pinasalamatan ng operator ang lahat ng tumangkilik sa online sabong niya na nag-dry-run na noong Oktubre 28.
Siyempre, bumaha ang alak at pagkain sa salu-salo na pinatawag ng operator ng online sabong at inaalam pa ng mga kosa ko kung saan gaganapin ito. Bakit kaya balewala lang sa mga operator ng online sabong ang kautusan nina Lorenzana, Nograles at maging ni Interior Secretary Eduardo Año, ang vice chair ng IATF? Dipugaaaa! Hak hak hak! Bastusan na ito ah!
May kumalat namang imbitasyon kung saan ang mga gamefowl breeders ay pinadadalo sa grand opening ng online sabong sa Nob. 4. Ang unang sultada ay isang 6-cock derby at ang pot money ay P55,000 samantalang ang minimum bet ay sa P33,000. Ayossss! Malakasan talaga ha Sec’s. Lorenzana, Nograles at Año Sir’s. Magkaroon uli ng 6-cock derby at parehas na pot money at minimum bet sa Disyembre 21 para iselebra ang isang birthday.
Sa regular derby naman ay 4-cock at ang pot money at minimum bet ay parehas na P22,000. Ang iskedyul ay sa Nobyembre 9; 13; 16; 20; 23; 27; at 30, at sa Disyembre 4; 7; 11; 14; 18 at 28. Hayan, tingnan natin kung may lason ang nagtitilamsik na laway nina Lorenzana, Nograles at Año laban sa isyu ng online sabong. Dipugaaaa! Abangan