Iba pang pinagmulan ng away mag-asawa

Nanonood ang mag-asawa ng “Who Wants To Be A Millionaire” habang nasa kama. “Gusto mong mag-sex tayo?” lambing ni mister.

“Ayoko,” mabilis na sagot ni misis.

“Final answer mo na ba ‘yan?” patuloy ni mister.

“Oo,” ni hindi tumingin si misis. “Final answer ko na ‘yan.”

“Kung gan’un phone-a-friend ako!”... At du’n nagsimula ang away.

* * *

Matagal nang kinukulit ni misis na ayusin ni mister ang lawn mower para maputulan ang damo sa garden. Pero kung anu-ano ang inaasikaso ni mister: kutingting ng stereo, kotse, cell phone, at iba pa. Naisip ni misis na pagparam­daman nang matindi si mister. Kumuha siya ng gunting pambahay at sinimulang tabasin ang damo sa labas.

Nakita siya ni mister. Pumasok ito sa loob, at paglabas iniabot sa misis ang lumang sipilyo. “Kung tapos ka na diyan,” aniya sa misis, “isunod mo ang paglinis ng garahe!”... At du’n nagsimula ang away.

* * *

Nu’ng malapit na ang kaarawan ni misis, nagparinig siya sa mister ng regalo: “Gusto ko sana ng nakaka-0 to 150 sa tatlong segundo.”

Ibinili siya ni mister ng timbangan! ... At du’n nagsimula ang away.

* * *

Pinipindot ni mister ang remote control nang magtanong si misis kung ano ang nasa telebisyon.

Ani mister: “Makapal na alikabok!” ...At du’n nagsimula ang away.

* * *

Malungkot nakahubad sa harap ng salamin sa banyo si misis: “Hay naku matanda, mataba at kulubot na ko. Purihin mo naman ako, please.”

Sagot ni mister: “Ang linaw ng mata mo!” ...At du’n nagsimula....

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Show comments