Dapat may estratehiya ang pulis kay Cpl. Ragos!

Clear and present danger, ito ang pangunahing basehan ng mga alagad ng batas para isagawa ang tinatawag na “judgment call”. Kapag malinaw na siya ay nasa panganib, agarang desisyon na ang kinakaila­ngan. Ang desisyong ito ay nakabase sa iyong abilidad, kaalaman at instinct.

Pagputok ng COVID-19 crisis, naghigpit ang pamahalaan sa mga mamamayang makikitang pakalat-kalat ng walang katuturan sa lansangan. Para mabuhay­, manatili sa bahay, ang lumabag ay sisitahin, kukuwes­ti­yunin ng mga otoridad. Kapag nanlaban at pumalag, aarestuhin.

Ang malungkot na sinapit ni retired army Cpl. Winston­ Ragos ay isang uri ng pedestrian stop. Sa simpleng depinisyon, pagpapatigil sa isang mamamayan na may malinaw na paglabag sa batas. Ang batas na nilabag ng isang pedestrian.

Mahalagang malaman ng lahat ang ibig sabihin ng terminolohiyang “pedestrian stop.” Natututunan lamang­ ang terminolohiyang ito sa mga police academy – kung ito nga ay tinuturo rito sa Pinas.

Hindi ako eksperto subalit sa pakiki-ride along ng BITAG sa mga Pinoy-US Cops sa Northern California simula 2009, sapat na para maunawaan ko ang mga pamantayan kapag isinasagawa ang pedestrian stop.

Maraming estratehiya na sana ay ginawa ng mga pulis habang kinukumpronta si Ragos. Mula sa boses ng mga kumukumpronta, tutok ng baril sa subject, hang­gang sa formation ng iba pang kasamahang nakapalibot sa kanya.

Panoorin ang aking analysis sa BITAG Official YouTube Channel hinggil sa isyung ito. Lilinawin ko, hindi ako nagtuturo ng sisi, hindi rin ako nagmamagaling. Magsasalita lamang ako ng walang preno base sa aking obserbasyon.

Show comments