Ano ang nakukuha sa alimango at alimasag?

ANG laman ng alimango ay mababa sa taba at nagbibigay lang ng 82 calories sa bawat 3 ounces serving. Ang seafood ay nagbibigay ng mga bitamina at mi­neral para mapabuti ang ating kalusugan. Puwedeng kumain ng alimango at alimasag. Pero paminsan-minsan lang.

Iba pang taglay ng alimango at alimasag:

??Protina – Inire-rekomenda na kailangan ang pagkonsumo ng 46 grams ng protina para sa babae at 56 grams para sa lalaki. Ang 3 ounces ng crab meat ay nagbibigay ng 16 grams ng protina. Ang protina ay ma­halaga para maging matatag ang muscle. Ang protina ng alimango ay nagbibigay ng 20 amino acid na kailangan ng katawan.

??Bitamina B12  - Ang alimango ay mayroon ding vitamin B12. Ang vitamin B12 ay kailangan para maka­buo ng pulang dugo o red blood cell. Sinusuportahan din ng vitamin B12 ang normal na pag-andar ng utak at kalusugan ng puso.

Ganunman, dapat din namang mag-ingat sa pagkain ng alimango at alimasag dahil:

??Mataas ito sa asin (sodium) - Ang isang 3 ounces na suplay ng laman ng alimasag ay naglalaman ng 911 mg sodium. Ang malusog na tao ay dapat limitahan ng 2,300 mg sodium sa bawat araw o mas mababa pa. Ang sobrang sodium ay puwedeng makadagdag ng panganib sa stroke, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo at heart failure.

??Mataas sa kolesterol - Gayundin ang 3 ounces ng crab meat ay naglalaman ng 45 mg kolesterol. Medyo mataas na ito. Dapat ay limitahan lang sa 300 mg kolesterol bawat araw. Kaya dapat ay hinay-hinay lang sa pagkain nito.

??May taong naa-allergy sa pagkain nito – Nakakaramdam sila ng pangingimay ng bibig at labi, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.

Show comments