Banta ni Boss Digong sa NAIA

BUMANAT at nagsalita kamakailan si Boss Digong, na kapag hindi siya nakuntento tungkol sa mga security issues sa NAIA, magpapadala ito ng mga sundalo ng Philippine Air Force para sila ang pumapel sa paliparan bilang tagatanghod este mali security pala para mabigyan ng solusyon ang sinasabi niya.

Naku ha!

Patay?

Ano kayang security issues sa NAIA terminals ang sinasabi ni Boss Digong?

Marami nagtaasan ang mga kilay na taga - NAIA nang ihayag niya ang mga bagay na ito? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na daw sila halos magkanda-ugaga dahil napakahigpit at kontrolado ng mga autoridad sa NAIA ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasahero maging mga employees sa loob at labas ng paliparan.

Ika nga, kampante sila!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang alam nilang palpak paminsan-minsan ay ang mga ginagawang pangingikil at pagnanakaw ng mga anay sa Office of Transportation Security at iyong mga gagong taxi drivers na nambibiktima ng mga pasahero sa airport pero bihira itong mangyari.

Sabi nga, isolated case!

Noong pamunuan ni MIAA general manager Ed Monreal ang NAIA, nagamot sa airport ang kinatatakutan ng madlang air passengers.

Sabi nga, ang ‘talaba!’

“Kasi nga, noong panahon ni GM Angel Hondrado ang  tanim - laglag - Bala scam ay talamak na nangyayari rito dahil binalewala at hindi agad binigyang aksyon nila ang isyung ito.” sabi ng kuwagong kinotongan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na rin bago sa ilang taga-airport ang military take-over dito dahil noong panahon ni Apo Marcos mga sundalo ng AirForce na ang nakatanghod sa dating Manila International Airport o MIA.

Ang tawag sa mga sundalo sa MIA ay Philippine Air Force - Aviation Security Command o AVSECOM.

Noon namang panahon ni Cory Aquino mga taga - Philippine Marines ang nasa paliparan sa ilalim ni General Cesar Tapia.

Sabi  nga, manning the gates!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago mg ORA MISMO, halos lahat ng ahensiya ng gobierno ay nasa airport tulad ng PNP, ISAFP, NICA, NBI at kung anu-ano pang branches of service ng gobyerno.

Ang wala lang sa airport ay ang Boy Scout of the Philippines at Girl Scout?

Siguro ang mga security issues na sinasabi ni Boss Digong ay ang nangyayaring kurapsyon diumano sa immigration dito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO nakikipagsabwatan kasi sa mga human smuggling syndicate ang ilang tiwaling IO, TCEU, BI supervisors echetera.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kurap sa immigration na tumagal dito ng 3 taon na walang ginawa kundi mamasahero, Tiyak milyonaryo na sila dahil sa laki ng perang kinikita ng mga gunggong. Tama ba, alyas Dennis ‘pisngi’?

Abangan.

Show comments