^

PSN Opinyon

‘Sir, tinatrato akong parang aso’

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“GUSTO ko pong pakinggan ninyo ako. Gusto ko rin pong pakinggan kayo”- luhaang sinabi ng 24-anyos na cons­truction worker nanliliit sa sarili dahil sa pambabastos ng kanyang amo. Hindi mapigilan ng pobreng si JR ang pag-iyak. Labis at madalas daw ang panlalapastangan, pang-aapi at pamamahiya ng mga amo niyang si Jun at Randy Sanchez. Malimit daw siyang mag-overtime kahit mabigat ang kanyang trabaho para makaipon lang. Ang kanyang sahod, wala sa minimum, P330 lang kada araw na dapat ay P512.

Dahil lamang sa isang tanong kung bakit may mga bawas pa ang kanyang pinaghirapang overtime at mababang sahod na P330. Pinagmumura na raw siya.

Tinatrato raw siya na parang aso. Pinapasunod, minumura-mura. Nanliliit na raw siya sa sarili at labis ang kahi­hiyan sa mga kasamahan. Nang tanungin ko kung bakit siya nagtitiyaga sa bastos at barumbadong amo, sagot niya sa akin, “yun lang po kasi ang alam kong trabaho.” Ganito karamihan ang mga sumbong ng mga simple’t totoong taong mangmang at salat sa kaalaman na lumalapit sa BITAG MULTIMEDIA ACTION CENTER araw-araw. Ang tanging puhunan ng mga pobreng ito ay sipag at tiyaga na pinagsasamantalahan naman ng mga tarantadong amo. Hindi pa nila natatagpuan ang kanilang katapat.

Kaya naman sa programang BITAG-KILOS PRONTO, katakut-takot na hambalos, hamon at mura na rin doon sa magkapatid na among sina Jun at Randy Sanchez. Hindi ito nagtatapos sa mura lang, gusto kong makaharap itong magkapatid sa NLRC-SENA Division. Pormal na tatayo kami para kay JR. Makakaharap ko ang magkaptid na abusadong amo sa NLRC sa nasabing patawag. Ayoko nang pahabain pa, panoorin ng buo sa BITAG YouTube TV ang segment na ito na ang pamagat “Bastos kang amo! Untog ko ulo mo!”

Trending sa kasalukuyan ang segment na ‘to sa YouTube sa aming channel sa BITAG OFFICIAL. Eto ang link https://youtu.be/iqWxF8gLomA

Sa lahat ng mga nakakaranas ng pang-aapi sa inyong mga barumbado’t sira-ulong amo, ‘wag nang patagalin ang inyong kalbaryo, ako mismo, si Ben Tulfo ang humaharap. Ako naman ang kanilang magiging berdugo.

I-email ang inyong mga sumbong sa [email protected] o i-message sa aming mga Facebook account – Bitag Multimedia Network at Bitag Live o tumawag sa 02-281-4251. Bumisita sa aming action center sa Bitag Multimedia Network, The Richwell Center, 102 Timog Ave., Quezon City. Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

CONS­TRUCTION WORKER

MABABANG SAHOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with