Nang dahil lamang sa sayaw at kanta!

ANG larangan ng pulitika, hindi na kayang ilarawan pa kung gaano ito karumi at kabalahura. ‘Yung dati mong kaibigan, magiging mortal mong kaaway. ‘Yung dating kontra, bukas kakampi mo na. Kung minsan pa nga, sarili mong kaalyado humahatak sa’yo pababa. Kaya ang mga putok sa buhong de kolor na media, nagpipista at umaapaw ang kasiyahan dahil hindi na sila mapapagod humanap ng balita. Ang siste, kadalasan kung hindi sablay, kuryente. Pano, imbes yung katotohanan ang ipakita sa publiko, inaangguluhan ang istorya depende sa kulay na kanilang nirerepresenta. Kaya kung di mo lalaliman ang pag-aanalisa, madali ka nilang mapapaniwala.

Eto mainit-init pa na example, si Ate na milyones ang follower sa social media. Clue: May posisyon siya sa kasalukuyang administrasyon at paboritong target ng oposisyon. Siguro naman kilala n’yo na siya? Dahil sa isang kanta at sayaw na kumalat sa social media, pinagpistahan siya ng media. Pati ‘yung mga pulitikong walang magawa nakiangkas, sakay at sawsaw na. Malala nito, kaalyado pa niya ‘yung iba. Sila ‘yung mga tinatawag na self-righteous o sarili lang nila ang tama. Mga judgmental o mapanghusga sa kapwa. Hipokrito’t plastik pero may itinatago namang baho. Gusto ko silang tawa­gin na mga anay sa hanay ng administrasyon.

Mga boss, ‘wag na tayong magtaka. Ganito ang ma­ruming laro ng pulitika.Wala silang paki, kahit kaalyado ka pa. Pag medyo may nagawang hindi tama para sa kanila, kinokondena agad sa media. ‘Yan ang gustung-gusto ng oposisyon, di na nila kailangang magpapawis pa, no effort ika nga. Dahil ang bumibira mismong ka­alyansa!

Noong kasagsagan ng issue, binuhusan agad sila ng malamig na tubig ni Presidente Duterte. Sagot ng Presidente, lahat ay entitled sa freedom of expression. Hindi nga lang tugma ‘yung pamamaraan kung paano niya ito kinampanya. Cool lang ang Presidente, parang ama na nakakaintindi sa pagkakamali ng anak.

Kaya biglang tigil ang mga katropa sa kakaduda, animo’y maaamong tupa na walang ginagawang masama. Sila ‘yung mga taong dapat bantayan, nakikihalo sa administrasyon pero iba ang nananalaytay na kulay. 

Show comments