May sikretong alyansa nga ba ang dating Speaker ng Kamara na si Bebot Alvarez sa mga militanteng mambabatas tulad nina Bayan muna Rep. Zarate at mga kasamahan nito?
Masaya raw ang mga investors sa pagkakasibak kay Alvarez bilang House Speaker. Anila, uusad na ang kanilang mga nakabiting panukala sa liderato ni Speaker Gloria Arroyo. Si Alvarez (kasama ang kanyang mga alipores) ang hinihinalang humahadlang sa kanilang proyektong imprastruktura na nakapaloob sa banner program ng administrasyon ng “Build, Build, Build.”
Sa pag-udyok umano ng dating speaker, sinusulong kuno ng grupo ni Zarate ang karapatan ng mga konsyumer pero ginagamit lamang ang media at iba pang pagpupulong para ipaalam na laban sila sa balak na i-privatize ang operasyon ng mga kumpanyang nagbibigay ng pampublikong serbisyo na sa totoo lang ay magpapabuti sa serbisyo sa taumbayan. Gumawa ng ingay ang grupo ni Zarate ngunit ang mga ito ay pawang walang basehan. Ang siste, wala silang maibigay na konkretong solusyon sa mga problemang tinutukoy nila.
Si Gloria ay kilalang ekonomista at inaakala ng mga investors na magiging effective assets siya sa Pangulo. Si Alvarez ay mahilig mam-bully sa ilang malalaking kumpanya ng eroplano na ilipat ang paglipad ng kanilang mga sasakyang pang-himpapawid sa Clark Airport sa Pampanga para lumuwag ang paliparan ng Ninoy Aquino International Airport sa loob ng 45 na araw. Kung hindi sila susunod, aalisan sila ng mga prangkisa.
Binulabog ni Zarate ang merkado na siyang nagko-kontrol ng power supply ng bansa. Para ayunan ang ‘misyon’ ni Zarate, naghain ng isang batas ang natanggal na si Alvarez ng nakaraang taon o ang House Bill 5020 para buwagin ang ERC, at palitan ito ng Board of Energy na nakalingkis naman sa Department of Energy (DOE).