^

PSN Opinyon

7 ‘anay’ sa PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAHAHARAP na sa summary dismissal ang pitong pulis ng Manila Police District (MPD) District Special Operation Unit (DSOU) matapos mang-extort ng P50,000 sa mga inaresto nila kaugnay sa human trafficking. Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar, pabibilisin ang dismissal proceedings upang maging babala sa mga pulis na gumagawa ng kalokohan. “As I said earlier, I would not hesitate to dismiss policemen involved in wrongdoing. We would not tolerate their illegal activities as we continue the cleasing program initiated by PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde,” sabi ni Eleazar.

Ang mga masisibak ay sina PO1 Erdie Bautista, PO1 MJ Cerilla, PO1 Arcadio Orbis at PO1 Martinico Mario; PO3 Michael Chavez at PO3 Dindo Encina. Sinalakay ng mga naka-full battle gear ng Counter Inteligence Task Force (CITF) ang MPD headquarters noong Biyernes ng gabi. Naaresto sina PO1 Bautista at PO1 Cerilla at ang civilian na si Ricky Sayson. Kitang-kita sa video footages­ kung paano pinadapa ang pitong pulis ng assault team ng CITF. Sa pahayag ni MPD director C/Supt. Rolando Anduyan, nag-demand ang mga pulis ng P100,000 kay Racquel Lacsamana para sa ikalalaya ng asawa nito at ng mga kasamahan na inaresto dahil sa human trafficking­. Ang halagang hinihingi ay naibaba sa P50,000 kaya ikinasa ni S/Supt. Romeo Caramat Jr., hepe ng CITF ang entrapment operation.

May kalalagyan naman si Chief Insp. Joselito de Ocampo­, hepe ng DSOU. Bagamat hindi siya kasama sa pang-e-extort may pananagutan din siya sa command responsibility. Sa mismong opisina niya naganap ang entrapment. Ayon sa mga nakausap ko sa Manila’s Finest Brotherhood Association members, magaling na police official si De Ocampo. Hindi umano nakitaan ng pang-aabuso sa serbisyo. Ilang beses na ring ipinadala sa United Nation Peace Keeping Force.

“I don’t know why these policemen continue to resort to extortion and other rackets despite the fact that President Rodrigo Duterte doubled the salaries of PNP members,” sabi pa ni Eleazar. He-he-he! Kung sabagay hindi lamang ang grupo nina De Ocampo ang maaalis sa serbisyo dahil halos magkakasunod ang kotongan sa loob mismo ng police station ng mga nagdaang araw. Ang kawawa ay ang mga matitinong pulis na nadadamay sa ginagawa ng mga “anay” sa PNP. Abangan!

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with