MAGANDA ang naisip ng ilang kongresista para solusyunan at para mabawasan ang basura ng pagkain kaya minabuti ng ilan sa kanila ang ipamigay ang mga tirang pagkain na hindi panis.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi masama ang naisip nila para sa mga tirang tsibog sa mga resto at hotels na ipamahagi na lamang sa mga pobreng alindahaw na halos walang makain.
Ika nga, ang ipamimigay na tirang pagkain ay dapat hindi panis at puedeng makain ng isang pobreng alindahaw.
Sabi nga, kaysa itapon mas mapapakinabangan pa ng ilang pamilyang hikahos sa buhay.
Ang bill na ito ay tinawag na ‘Food Waste Reduction Act.’
Sabi nga, ang Estado ay kumikilala na ang bawat madlang people ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay, kabilang ang sapat, ligtas at masustansiyang pagkain.
Samakatuwid, dapat itong maging isang patakaran ng Estado upang matamo ang food security, end hunger, at i-promote ang mahusay na paggamit ng mga mapagkukunan ng pagkain sa Philippines my Philippines.
Tungo sa layuning ito, ang Estado ay dapat magpatibay ng isang sistema upang i-promote, mangasiwa, at masiguro ang pagbabawas ng basura ng pagkain sa pamamagitan ng muling pamamahagi at recycling.
Ang napakalaking halaga ng pagkaing nasasayang at ang mga hindi kakaunting bilang ng mga nagugutom araw-araw. ay isang paglabag na ang mga iminungkahing Act ay dapat itama.
Gaya ng nabanggit, ang Estado ay dapat magpatupad ng mga hakbang para sa mga ipinag-uutos na donasyon ng nakakain surplus na pagkain para sa charitable purposes.
Sabi nga, dapat ang mga pagkaing ito ay ‘fit for consumption.’
Abangan.
Utos ng OMB vs. Junjun Binay ibinasura ng CA
IKINATUWA ng pamilya at mga taga-Makati ang naging decision making ng Court of Appeals na ibasura ang utos ng Ombudsman na sibakin si former Makati City Mayor Junjun Binay.
Gusto rin ng OMB na huwag nang humawak pa ng ano man position sa gobierno si Junjun.
Ngayon puede ulit?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang case problem ni Junjun ay isinampal este mali isinampa pala sa OMB tungkol ito sa Makati City Hall Parking Building construction na may P2.28 billion worth.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘guilty’ si Junjun sa hatol ng OMB sa kanyang last September 7, 2015, at ang 19 officials ng Makati City government regarding sa case problema na serious dishonesty at grave misconduct kasi daw overpriced ang parking building.
The other day ay lumabas ang 159 - pages na decision making ni CA 10th Division na pinonente ni Associate Justice Edwin Sorongon, kasi in favor ito sa petition ni Junjun at itinapon este mali ibinasura pala ang reklamong administratibo na itinutulak ng OMB laban dito.
Sabi nga, ng appellate court moot and academic ang administrative complaint versus Junjun dahil ang pinagbatayan ng reklamo ay saklaw pa ng tinatawag na condonation doctrine.
‘May balak kaya si Junjun sa 2019 election?’
Abangan.