HINDI raw natuwa ang mga pulis na taga-Davao sa pag- pili ni Pres. Rodrigo Duterte kay NCRPO Chief Oscar Albayalde bilang sunod na hepe ng PNP. Masyado raw mahigpit, istrikto. Pero ito ang nagkumbinsi kay Duterte na piliin si Albayalde. Ang nais yata ng mga pulis-Davao ay manggaling sa kanila ang susunod na PNP chief, tu- lad ni Gen. Dela Rosa.
Pero tila namimili na si Duterte ng mga tao na ku-walipikado talaga sa trabaho, at hindi dahil kakilala lang o kaibigan, o taga-Davao. Ilan na sa mga malapit sa kanya o taga-Davao ang natanggal o bumitiw na – si Sueno ng DILG, si Laviña ng Irrigation, si Aguirre ng DOJ. Mabuti naman at isang “outsider” naman ang nasa PNP. Nagulat nga raw si Albayalde sa pagpili sa kanya ni Duterte bilang sunod na hepe ng PNP. Inaasahan na ipagpapatuloy ni Albayalde, hindi lang ang Tokhang kung saan kilala si Dela Rosa, kundi pati ang pagiging patuloy na mahigpit sa mga pulis, para matanggal na ang mga hindi kanais-nais, hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Sorpresahin niya ang ilang presinto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ganito rin sana sa DOJ, na pamumunuan na ni Sec. Menardo Guevarra. Siya ay nanungkulan na sa ilalim ng administrasyong Aquino. Sa Ateneo Law School nagtapos, hindi San Beda. Nagturo rin doon ng ilang taon. Ibalik ang karangalan sa DOJ ang utos sa kanya ni Duterte. Dapat, at tila naagnas na ang tiwala ng mamamayan sa DOJ sa ilalim ni Aguirre. Maraming kaso ang kailangan pag-aralan at siyasatin ni Guevarra, kung papayagan siya. Baka ma- ungkat din ang mga hindi kanais-nais na naganap sa DOJ.
Ayon kay Duterte, may sisibakin pa sa mga darating na araw. Usec. daw ang masisibak. Wala nang ibang detalyeng ibinigay. Hintayin na lang natin kung sino ito dahil napakaraming Usec. sa gobyerno.