^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gobyerno, kumilos sana sa MRTirik

Pilipino Star Ngayon

SA patuloy na aberya na nangyayari sa Metro Rail Transit (MRT-3), tila papitik-pitik ang Duterte admi­nistration at masyadong mabagal sa pagresolba sa problema. Noong unang araw ng 2018, tumirik na naman ang MRT-3 at walang nagawa ang mga commuter kundi bumaba at maghintay ng susunod na train. Kaya marami sa commuters, bago sumampa sa train ay dumadalangin na huwag magkaaberya para naman maayos at ligtas silang makarating sa patutu­nguhan. Wala silang maga­gawa kundi magdasal sapagkat walang ginagawang mahusay na hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para lubusang maisaayos ang MRT. Bagong Taon na pero walang makitang pagbabago ang libong commuters­ at lalo pang nagiging masama ang serbisyo.

Noong nakaraang taon, mahigit 500 beses na nag­kaaberya ang MRT at nagpapatuloy hanggang nga­yon. Problema ang maintenance provider­ Busan Universal Rail Inc. sapagkat sa kabila na napakamahal nitong singil sa pagmimintina ng MRT, sunud-sunod ang aberya gaya nang pagtirik, pagbubukas ng pinto habang tumatakbo, umuusok ang bagon, pagkalas­ ng bagon, nag-oovershoot sa station at marami pang glitches. Tinerminate na ang kontrata ng Busan noong Nobyembre at ang gobyerno na lamang ang nag-take over sa pagmintina. Pero walang pagbabago sa MRT at  lalo pa ngang sumama sapagkat madalas ang pagtirik. Noong Enero 1, 2018, Bagong Taon, inum­­pisahan agad nang tumirik sa Guadalupe Sta­tion­ at pinababa ang mga pasahero. Problema umano­ sa electrical ang dahilan.

Kailangan pa bang ang Presidente ang mag-utos sa DOTr na gumawa ng aksiyon sa halos araw-araw na aberya sa MRT. Hindi ba’t ang Presidente na rin ang nagsabi na ayaw niyang mahirapan ang taumbayan. Bakit itong problema sa MRT ay ayaw solusyunan. Kung kailangang itigil ang ope­rasyon ng ilang araw para maisaayos ang pagkasira, bakit hindi gawin. O kumuha nang mapagkakatiwalaang maintenance service provider. O kailangan pang may gumulong na ulo para magtuluy-tuloy ang biyahe ng MRT?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with