NAGSISIGAWAN ANG MGA TAO, rinig na rinig ang palitan ng putok ng baril at ang pagtatakbuhan ng mga tao sa luagr.
Parang eksena lang sa isang action film kung iisipin mo pero naranasan ng mga tao sa Las Vegas kung saan 59 katao ang namatay sa shoot-out.
Basta na lang namaril sai Paddock sa mga taong dumalo sa isang concert.
Ang gunman ay si Stephen Paddock, 64 taong gulang at isang high stakes gambler at retiradong accountant.
Wala din daw criminal record si Paddock at sinabi ng kanyang kapatid na si Paddock ay isang multi-millionaire property developer.
Ayon sa mga otoridad pinagplanuhan niya ang shoot-out dahil naglagay pa siya ng mga camera sa iba’t-ibang lugar upang makita niya kung sino ang papalapit sa kanyang kinaroroonan.
May inilabas na kopya ng body camera ng mga pulis at nakita sa nasabing video ang sigawan ng mga tao na binabaril sila ng gunman. Ang mga pulis naman ay binibigyan sila ng maaaring puntahan para maging lugtas sila mula sa shooter.
Naglagay sa peephole at service cart si Paddock ng camera sa 32nd floor niyang kwarto sa Mandalay Bay hotel-casino.
Bago ang araw ng pamamaril ay may nagpunta na daw na security guard sa nasabing lugar ngunit pinaputukan siya nin Paddock at nagtamo ng sugat sa kanyang hita.
Marami ding armas na hawak si Paddock. Halos 42 armas ang pag-aari nito at inaalam ng kapulisan kung saan ito nanggaling.
May natagpuan ding computer ang mga imbestigador at 23 baril sa hotel na tinutuluyan ni Paddock kasama ang 12 bump stock devices na ginagamit para paganahin ang rifle ng tuluy-tuloy.
Hindi pa alam ng mga pulis kung ano ang dahilan nin Paddock kung bakit niya ito ginawa at napakaraming tao ang namatay.
Matatandaang halos ganito din ang nangyari sa Resorts World Manila kung saan bigla na lang nag-amok ang isang tao at sinunog ang mga table at ilan pang kagamitan doon.
Maraming tao din ang namatay dahil sa hindi na makahinga sanhi ng usok na bumalot sa paligid.
Hindi kaagad nakaaksyon ang mga security personnel ng lugar kaya lumaki ang pinsala.
Sa isinagawang imbestigasyon lumalabas na natalo sa sugal ang lalaki at hindi na maganda ang relasyon nito sa kanyang pamilya nang dahil sa pagkakalulong nito sa masamang bisyo.
Hindi malabo na ang nangyari sa Las Vegas ay tulad din ng nangyari sa Resorts World Manila.
High-stakes gambler si Paddock at maaaring malaking pera din ang natalo sa kanya kaya nagulo ang kanyang utak at nagplano na manggulo nang sa ganun ay makaganti man lang sa kanyang pagkatalo.
Wala tayong konkretong hawak na dahilan kung bakit niya ginawa ito na nagging dahilan kung bakit maraming buhay ang nawala.
Halos limang daang katao ang nasaktan sa insidente. Ang iba rito ay tinamaan ng baril pero ang iba naman ay dahil sa kagustuhan nilang makaalis sa lugar.
Nagpakamatay si Paddock bago pa man siya malapitan ng mga otoridad. Kung sakaling hindi natamaan ang kanyang utak ay maaaring magsagawa ng psychological autopsy upang malaman kung siya ba ay may neurological disorder o malformation.
Napag-alaman din na ang ama ni Paddock ay isang bank robber noong 1960’s at nasa listahan ito ng most wanted ng FBI.
May impormasyong nakalap na ang live-in partner ng gunman ay isang Pilipina at nakaalis na ito ng bansa. Iimbestigahan ito dahil nagpadala ang suspek sa kanya ng $100,000.
Ayon sa otoridad hindi itinuturing na suspek ang live-in partner nito ngunit umaasa sila na makakakuha sila ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pamamaril.
Una nang sinabi ng live-in partner ni Paddock na wala siyang alam sa plano nito. Dati na din palang nagpunta ng Pilipinas si Paddock.
Hanggang ngayon ay ramdam pa din sa lugar ang bunga ng pamamaril na naganap.
Sariwa pa sa kanilang alaala ang pamamaril na tinaguriang ‘deadliest mass shooting’ sa kasaysayan ng Amerika.
Karamihan ay ginawa nilang panangga ang kanilang mga sarili upang maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay.
Habang buhay nang tatatak sa kanilang isipan ang nangyaring pamamaril. Pinipilit nilang maging normal ang kanilang buhay ngunit palagi pa din nilang maaalala kung paano sila nagtakbuhan, nag-iyakan at nagtago habang naririnig nila ang tunog ng putok ng baril at nagdadasal na huwag silang matamaan nito.
Maraming mga bagay ang nagiging dahilan kung bakit nagiging bayolente ang mga tao. Minsan kailangan nila ng taong mahihingahan ng kanilang sama ng loob o pagkabigo sa buhay para lang maramdaman nilang may kasama sila at hindi nag-iisa.
May mga tao din naman talagang gawain na nila ito kaya balewala na sa kanila kung may mga inosenteng mapahamak.
Ang pagsusugal ay isa pang walang maidudulot na mabuti sa buhay ng tao. Pwede ka naming magsugal ngunit huwag naming dumating sa punto na lulong ka na at ang buhay mo ay dun na lang umiikot.
Kapag natalo ka parang buhay mo ang nawala at hindi mo na napapahalagahan ang pamilya mo.
Kung may mga kapamilya kayong unti-unti nang nalulong sa pagsusugal ay subukan ninyong ilayo ang kanilang landas dito para maiwasan ang hindi magandang pangyayari katulad na lang ng nangyari.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.