‘Panggap pa more sa pagiging may sayad!’

IN fairness sa acting ni Senator Antonio Trillanes IV, effective ang pagpapanggap nitong may sayad ang kanyang kukote. Bansag nga ni Pres. Rodrigo Duterte, Trililing dahil mahina ang kanyang kamada!

Tatlong buwan pa bago mag-Pasko, kumakana na ng Jingle Bells si Sen. Trillanes, ganadung-ganado sa loob ng Senado kapag may session.  Ayun nga lang, ang kanyang mga birit, pa-kahol!

Sa kanyang sunud-sunod na pasikat, nakikinita kong talagang wais itong isang ito. Paano ba naman, naiku­kubli niya ang kahinaan ng kanyang kukote at lumalabas na parang may “amats” lamang siya.

Ang pagkakaroon niya ng “tililing” ay nakatulong para hindi mahalatang kulang siya sa kaalaman sa larangang kanyang kinalalagyan – ang pagiging isang mambabatas. Tuloy, ang mga taong nauto niya noon na nagluklok sa kanya sa posisyon ay nagising na sa katangahan este katotohanan.

May nasagap nga ako na ibinulong lang ng aking bubwit, naiinis daw sa mga pinaggagawa, pinagsasabi at ina­asta ni Trillanes sa Senado ang misis ng mga senador na kaalyado nito.

Hindi raw kasi nagsasalita ang mga senador na kakulay ni bespren sa kanyang mga pinaggagagawa kaya’t namihasa ito – pinabayaan kasing maging bibo nang matagal, ayan tuloy hindi na maawat sa pagkakalat. Eh nakiki­nabang naman daw ang kanilang mga mister sa resulta ng ginagawa ni Trillanes kaya’t hinahayaan lang itong magpakitang gilas.

Ang siste, nananatili nalang silang tahimik bilang “parliamentary courtesy” kahit na nagkakalat, nambubuwisit, at pasaway bigtime na ito sa Senado. Sabi nga sa wikang banyaga, “he seems to get away from murder” na bastusin, bastarduhin at babuyin ang imahe ng institusyon ng Senado. Sa aking analysis, kapag ang isang indibidwal ayaw umamin ng pagkakamali at pinagpipilitang tama ang kanyang ginagawa o iniisip, dalawang bagay lang ang dahilan.

Una, nananadya, nambubwisit o nang-iinis lang. Isang uri ng estratehiya o taktika nang mawala ka sa iyong kamada o diskarte kung ika’y nakikipagtalo o nakikipagdiskusyon sa anumang bagay o isyu.

Ikalawa, likhang may “amats”. sa salitang kalye - may tama sa kukute. Sa salitang lansangan naman ang tawag diyan ay “tililing.”  Either “intentional” o sadya ang kaniyang pagiging may tililing.

Gets n’yo? Panggap pa more at tuluyan ka ng mahuhubaran ng maskara! Lalabas na ang tunay na laman ng iyong utak – iyon ay kung meron nga.

 

Show comments