PhilStar, kampeon sa badminton tournament

NOONG Sabado, nagharap ang 16 na koponan mula sa hanay ng Philippine National Police, local government  personnel, students at print media group sa 8th Badminton tournament ng Manila Police District Press Corps (MPDPC). Tumagaktak ang pawis at nakabibingi ang hiyawan nang magsagupa ang Philippine Star at Camp Crame sa finals, pareho kasing super lakas pumalo­ ng raketa ang magkatunggaling koponan kung kaya pigil-hininga ang mga player at pulis sa panonood. Sulit naman ang pagod ng mga player dahil naibuhos nila ang kanilang lakas at abilidad. Dito nakita ang tunay na diwa ng sportsmanship dahil walang argumentong naganap sa bawat isa, nagkakamayan at nagkakangitian sa pagtatapos ng laban. Itinanghal na champion ang Phi­lippine Star na kinabibilangan nina Edison Cupcupin, Dodie Gutierrez, Mylene Amahit, Dalia Santiago, Glen Felix Ca­millo at Melody Amoroso. Kaya tuwang-tuwa si PhilStar team manager Tammy Mendoza.

Bagamat 1st runner up lamang ang Camp Crame, hindi naman matawaran ang galing sa pakikipagpalitan nang malalakas na hampas sa shuttle cock dahil nahirapan din naman ang PhilStar bago sila nagapi. Kaya nasiyahan si Gen. Gamboa sa pinakitang gilas ng kanyang mga bataan na sina Belle Sevilla, Airish Macalino, Tym Gamboa, Gelita Castillo, Fred Fernandez at Dustine Rubrica. Ang Smash Hit Team na binubuo ng mga estud­yante na sina Norman Angelo, Stephen Montero, Joshua Almazar, Mary Grace Campanano, Chairmaine Tambuan at Jaira Bustarde ay naka-2nd runner up lamang matapos na tumukod ito sa semifinal round. 

Samantala ang koponan naman ni Eastern Police District director C/Supt. Romulo Sapitula sa pangunguna ni S/Supt. Marcelino Pedrozo ay  pumasok din sa semifinal subalit ginupo ng PhilStar. Kahit natalo sina Pedrozo umuwi naman silang nakangiti dahil muli niyang nakadaupang-palad ang mga reporter at photographer ng MPDPC at opisyales ng Manila’s Finest. Pinasalamatan naman ni MPDPC president Mer Layson ang mga kalahok sa tournament lalo na si MPD director C/Supt. Napoleon Joel Coronel at NPC president Paul Gutierrez sa suporta. Siyempre kabilang diyan ang Pagcor, D. Edgard, A. Cabangon ng City Estate Tower; Miguel Belmonte, President-CEO ng Philippine Star, Pilipino Star Ngayon at PM Pang Masa; William Uy, Conrado Uy at Joseph Lim  na nagpahalaga sa proyekto. Todo suporta rin ang officers and members ng MPDPC. Ang MPDPC ang may pinakamaraming miyembro mula sa TV news, radio at print media kaya nang magdatingan ang foreign media, nagmistulang sardinas ang press office. Ang nalikom na salapi sa tournament ay gagamitin sa pagpapagawa ng press office extension, pagpapaayos ng computers at airconditioning. Kilala ang MPDPC na pinaka-organized press office sa bansa kaya napupusuan ng mga foreign media na silungan. Tulong pa more mga suki para sa ikabubuti ng MPDPC.

Show comments