^

PSN Opinyon

‘H’wag nang dumagdag sa istatistika ng mga biktima’

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HIGIT 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang kasamang dumating ni Pres. Rodrigo Duterte mula sa Saudi Arabia nitong nagdaang araw lang.

Matagumpay ang repatriation system na ito ng pangulo dahil ilang taon nang naburyo at nasa kalbaryo ang mga napauwing kababayan natin. Halu-halo ang sentimiyento ng mga kababayan nating ito, mula sa mga nawalan ng tra­baho dahil nagsarado o nagbawas ang kumpanya at household workers  (HHWs) na tumakas sa kanilang mga amo.

Ramdam ko ang pangulo sa desisyon nitong sabay-sabay na iuwi ang 152 OFWs dahil ako at ang aking tanggapan mismo, saksi sa iba`t ibang kaso ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat lalo na ang mga domestic helpers o HHWs sa Middle East.

Kaya naman kapag may lumapit sa amin anumang oras, handa kaming sumaklolo katulong ang tamang otoridad at mga sangay ng ating gobyerno, kilos pronto!

Nakadudurog kasi ng puso kapag narinig mo ang kanilang hinaing. Maliban sa sobra sa oras ang trabaho at kulang ang pagkain, nandiyan ang pambubugbog, pagmumura, ‘di pagpapasahod at ang pinakamasaklap ay sexual harassment.

Ang mga reklamong ito, naipararating sa pamamagitan ng aming facebook account, e-mail, website at maging sa aming hotline. Marami na rin kaming naipalabas sa aking programang Kilos Pronto. Kung hindi man ang mga biktima mismo ang humihingi ng tulong, ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan sa malalayong probinsya ang suma­sadya sa aming tanggapan.

Sa amin namang imbestigasyon, ang pinag-uugatan ng problema ay ang hindi tamang proseso ng pag-alis sa bansa. Mismong sa bibig ng mga biktima nanggaling, iba’t ibang indibidwal lamang ang nagpasok sa kanila sa trabaho.

Dati na naming babala ito at maging ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), tanging sa lehitimong recruitment agency na accredited ng POEA lamang makipagtransaksiyon. Huwag na huwag maniniwala sa boladas na direct hiring lalo na sinomang Poncio Pilato ang kumausap sa inyo. Kahit na inendorso pa ‘yan ng inyong kamag-anak, kaibigan at kakilala. Dahil kapag umalis kayo ng bansa na undocumented o hindi dumaan sa tanggapan ng POEA, mahihirapan ang gobyernong tulungan kayo sa panahon ng kagipitan.

Pagkakataon din ito sa mga dorobong nanloko sa inyo na makapambiktima muli dahil hindi mahanap ang kanilang pagkakakilanlan.

Dahil sa nakakaalarmang statistika ng mga nagiging biktima, naghigpit ang Pilipinas sa pagpapadala ng mga HHWs sa Middle East, dalawang taon na ang nakararaan. Dito, nagtalaga ang gobyerno ng mga patakaran para sa mga bagong aplikante. Subalit ang mga walang kaluluwang recruiter kuno, ginamit ang ideyang cross boarder kung saan lakas loob na paaalising turista ang mga pobreng aplikante papuntang Thailand, Hongkong, Malaysia at Singapore at doon tatawid papuntang Middle Eastern countries.

Babala, dahil paglabag ito sa batas na human trafficking! Paalalang muli namin, huwag na huwag kumagat sa patibong na ito. Mas makabubuting dumaan sa tamang proseso dahil imbes na magandang buhay ang hanap n’yo ay malalagay ang inyong buhay sa peligro.

Ayan, may ilang napauwi na, huwag na kayong dumagdag pa sa natitirang statistika ng mga biktima!

FILIPINO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with