Naging kontrabida ang dating ni House Speaker Bebot Alvarez ng ihayag nito na gusto niyang ipakalkal sa BIR ang mga buwis ng mga religious institutuions.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa mga banat ni Bebot halos nagtaasan ang mga kilay ng ilang kaparian at mga sisters na napapatakbo ng mga exclusive schools sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, bakit ano ang nagawa namin?
Sangkaterbang madlang pinoy ang pabor sa aksyon ni Bebot dahil panahon na rin siguro na kalkalin ang mga ibinabayad nilang buwis kung mayroon man?
Naku ha!
Wala nga eh.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may request si Bebot sa BIR na bigyan sila sa Kamara ng income tax returns ng mga eskuelahan pinatatakbo ng mga kaparian at sisters sa huling three years.
Napag-alaman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang income pala mula sa mga tuition fees ng mga schools na pinabobotak ng mga kaparian at sisters ay dehins binubuwisan pala.
Ika nga, kasuerte naman pala nila!
‘Mataas na nga ang mga tuition fees nila wala pa pala silang bayad sa buwis.’ sabi ng kuwagong nagkukumayog.
Ika nga, free at all!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang may buwis ay iyong may commercial activities.
Sabi nga, may deduction na!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa butas este mali batas pala na lahat na ginagamit sa mga religious, charitable o educational purposes ay alaws bayad.
Sabi nga, exempted sila sa buwis!
‘Hindi biro ang matrikula na pinatatakbo ng kaparian at sisters sa Philippines my Philippines bukod sa mga exclusive schools ito grabe as in matindi ang bayad sa tuition.’ sabi ng kuwagong nakanganga.
Ika nga, kapag mahirap hindi puede makapasok dito sa sobrang mahal ng kanilang bayarin.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang masakit pa dito wala pala silang buwis sa Philippines my Philippines.
‘Ano ang mainam gawin para rito?’ tanong ng kuwagong estudianteng hindi natanggap.
Sagot - panahon na para pag-aralan ito at pagbayarin na rin sila ng buwis.
Sabi nga, dapat pantay - pantay.
Abangan.