MAHILIG talaga sa mga ‘praise releases’ si MMDA acting general manager Tim Orbos lalo’t may mga nakakaramdam ng papalitan na ito sa kanyang puesto?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi nga, July is pass approaching. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last week tumirada na naman si Orbos ng bagong gimik ito ay tungkol sa ‘modified odd - even traffic scheme’ na ipatutupad niya sa EDSA para umano maibsan ang araw-araw na heavy traffic sa EDSA.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong panahon ng utol ni Tim na si Oca laglag sa madlang public ang scheme na ito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa radyo, TV at dyaryo naglabasan ang kanyang praise releases sa sistemang gusto niyang ipatupad sa mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA.
Ika nga, umingay ang pangalan ni Tim sa mga interviews.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, makalipas ang isang araw na praise release ay nagpalagan ang madlang Pinoy sa mungkahi ni Orbos.
‘Nakakaloka ang bagong traffic scheme!’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos bumuwelta ang madlang people sa mga hirit ni Orbos kumambiyo ito agad at nagpaka-bida muli na hindi ipatutupad ng MMDA, ang “modified odd-even traffic scheme” kapag hindi gusto ng madlang public, commuters at motorista ang payanig.
Sabi nga, hindi pa napaplantsa ng maayos umani agad ng katakot-takot-takot na batikos sa madlang public ang bagong traffic scheme.
Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi pa pala ito napag-uusapan sa MMC para sa usaping ‘odd-even traffic scheme’ ibinida na agad sa mga media ang istorya. Hehehe!
Ano nangyari?
Sagot - ayon inatras ang inabanteng palpak na ‘odd-even traffic scheme.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kalituhan ang dating sa mga madlang motorista at sa palagay nila lalo lang ito magiging dahilan ng mas grabeng trapik sa mga lugar na gusto itong ipatupad.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong gimik na traffic scheme ay hindi pa pala inaaprubahan ng Metro Manila Councils. Ang MMC, ang policy making body ng MMDA na kinabibilangan ng mga Metro Manila alkalde at siempre gusto muna nila itong pag-aralan ang magiging resulta.
Ika nga, trial and error ng isang buwan!
‘Itutulak muna nila ang bagong traffic scheme kapag pumalpak i-aatras ito,’ sabi ng kuwagong haliparot.
Ano iyon?
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tungkol sa sked ng ‘odd - even traffic scheme’ o ‘windows 2’, ang mga private vehicles na may odd number ending na 1,3,5,7 at 9, bawal dumaan ng EDSA from 7am to 9am take note - 2 hours lamang ang palugit para makadaan sila todits at kapag lumagpas sa oras tiyak salto ang drayber. From - 1:00pm to 3pm bawal ulit dumaan at 5pm to 7pm still bawal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang even number naman na 2,4,6,8,at 0 na mga private vehicles ay bawal dumaan sa EDSA after nang lapse time ng odd number.
Ika nga, 9am to11am, from 3pm to 5pm at 7pm to 9pm weekdays..
May ‘window 1,’ na kasi kaya ang bagong gimik ay ‘window 2.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sakop ng ‘window 2’ ay ang mga private vehicles na parang pagong na tumatakbo sa EDSA, from Magallanes, Makati City up to North Avenue, Quezon City at vice versa.
Ika nga, Monday to Friday ito!
‘Bibilis daw ang takbuhan ng mga sasakyan sa EDSA kapag naisulong ito,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sabi nga, bibilis ang usad pagong na mga sasakyan dito from 19 kph up to 40 kph.
‘Owww, sana nga!’
Abangan.