Kami’y dalawang ibon na lipad nang lipad
Naghahanap kami kung saan pupugad
Kaya isang araw kami ay napadpad
Sa bubong ng isang bahay na mataas
Nang kami’y dumapo sa tabing-bintana
Ay nakita naming batang lumuluha
Siya’y nag-iisa sa kamang magara
Pagka’t ama’t ina ay nagbubunganga
Nang aming marinig kanilang usapan
Sabi ng babae “di mo pinakinggan”
Na lubhang masama sobrang magpayaman
Kaya ngayon tayo’y bagsak sa kulungan”
Sumagot ang ama “huwag kang manisi
Ikaw ang maysala kung kaya nangyari
Na sa racket natin tayo ay nahuli
Sa sobrang luho mo at sugal parati”
Umalis na kami sa tahanang iyon
At dumapo kami sa sanga ng kahoy
Na lubhang malapit sa bahay sa burol
Doon ay tahimik walang nagmamaktol