NAKIKIDALAMHATI ang Chief Kuwago at pamilya nito sa pagkamatay ni dating San Jacinto Pangasinan Mayor Teddy Reyes nang kunin ito ni Lord last Feb.16 sa Valley hospital Ridgewood, New Jersey, USA.
Ang kanyang labi ay dinala na sa kanyang ancestral house sa San Jacinto Pangasinan para doon iburol at sa Lunes (March 6) ang libing ni Teddy, pagkatapos ng isang misa dakong alas 9:30 am sa San Jacinto Parish Church.
Naiwan ni Teddy ang kanyang asawang si Esperanza, mga anak na sina Grace, Ramon, Fr. Roque, Agnes,Zenia, Vicky,Gerry, Jim at Ted. Ang mga children-in-law na sina Benny, Malou, Roland, Errol, Rose, Kristine at Sheryl, mga apo na sina Gracielle, Cory, JM, Anthony, Ragan, Alyssa, Tory and Justin, Gerard Ross, Reginald, Ivory, Joseph, Ebony, Aco, tessa at Rubylou.
Ang ‘tetravalent dengue vaccine,’ bow
KINAKALKAL ng ilang mambabatas ang diumano’y kaduda-dudang pagbili ng DOH ng Tetravalent Dengue Vaccine na P3.5 billion halaga para sa school-based immunization program.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, during the time of former DOH Secretary Janette Loreto-Garin nang bilhin ito kaya naman nagtataasan ang kilay ng ilang mambabatas dahil mabilisan daw ang naging usapan blues sa gamot at maaring may nilabag umano na batas sa nasabing transaksyon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagbubusisi, P3.5 billion ang nilaang pondo para sa single vaccine ni Garin gayong may yearly funding pala ito para sa national immunization program na may P3.3 billion at P3.9 billion para sa 2015-2016 programa.
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kinuwestiyon ni Mindoro Oriental Rep. Doy Leachon, na bakit hindi naisama ang mga nakatala sa DOH annual procurement budget ng 2015 at 2016 General Appropriations Act (GAA) samantalang nakapagpalabas ng SARO ang DBM at napasama rin ito sa usapin ng unconstitutional disbursement acceleration program o DAP fund.
‘Mukhang may nakikitang diumano’y anomalya rito kaya dapat lang siguro itong makalkal at maimbestigahan,’ sabi ng kuwagong naghudas.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kakapain ng mga mambabatas ang diumano’y iregularidad sa pagbili ng dengue vaccine. Sisiyasatin ng committee on good government and public accountability ang umano’y iregularidad sa pagbili ng dengue vaccine, habang ang isyu ng kaligtasan at bagsik ng vaccine ay dapat kalikutin din.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagbili ng Tetravalent Dengue Vaccine ay dapat talagang himay-himayin para mabusisi dahil may dalawang batang estudiante ang natigok last April matapos tumanggap diumano ng gamot na ito?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang imbestigasyon ay para mapag-usapan ang batas na magtataguyod ng kapakanan at kaligtasan ng madlang public.
Gustong malaman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung nasunod ba ang procurement procedures sa pagbili ng mga bakuna at tinanong din niya ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kung ano ang naging basehan nila para sabihing rasonable ang presyo ng dengue vaccine.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinuha nila Garin ang serbisyo ng PCMC hindi bilang isang procuring agency kungdi tagapagpatupad at tagapamahala ng buong programa dahil dalubhasa na sila at malawak na ang kanilang karanasan.
‘Ang isyu tungkol sa school - based dengue immunization program ng Health Department para maprotektahan ang health ng madlang public particular ang mga madlang kabataan.
Abangan.