US of A visa
BUWISIT! Ito ang masasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga Kano sa embahada nila sa Manila na tuluy-tuloy pa rin ang pang-uunggoy sa madlang Pinoy na gustong tumapak sa US of A.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na kasi nila itigil ang ginagawang pangongolekta ng mga application fee tuwing may madlang Pinoy na asking for visa, bago pa man sila ma-interview sa embahada.
Sabi nga, hindi naman barya ang binabayad nang mga gustong tumuntong sa land of the giant este mali US of A pala.
‘Akalain mo sisingilin ka ng US160- -o P8,000 – na hindi naman nila ibabalik kung ma-reject ang iyong aplikasyon.’ sabi ng kuwagong lagapak sa interview.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat nga maging maluwag sila sa madlang Pinoy dahil tayo lang siguro sa buong Asya ang kumikila sa mga kanong iyan bilang mga “big brother.”
‘Kahit na libu-libo ang kanilang pinatay noong sakupin ang Philippines my Philippines, tinulungan pa rin natin sila nang sila ay lumahok noong World War II.’ bida ng kuwagong haliparot.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naalala ba nila ang naging hirap ng mga beteranong sundalo at kanilang mga kaanak na inimbitahang manirahan sa US of A ?
‘Pinag-aapi lang at pinahirapang maghintay ng kanilang mga “green card” hanggang nagkamatayan na ang marami.’ himutok ng kuwagong nilapirot.
‘Ngayon, paano naman yung mga lehitimong aplikante na nagiging biktima sa panggagantso ng US Embassy sa madlang Pinoy?’ tanong ng kuwagong napasubo.
Kuwento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa mapait na karanasan nangyari sa anak ng isa sa mga sumbungero nila sa pagharap niya sa letseng puting visa officer.
‘Bigla na lang daw siyang sinermunan at sinabihan kung hindi pa ba niya alam ang mga bagong patakaran ng bagong ulol este mali pangulo pala ng US of A tungkol sa mga bumabiyaheng dayuhan sa kanilang bansa.’ sabi ng kuwagong praning.
Ayon sa kuwento, hindi man lang daw siya pinagsalita at walang pakialam sa mga dokumentong dala-dala niya nang bigla na lang siyang sinabihang hindi siya puwedeng bigyan ng visa.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sasamahan lang sana niya ang kaniyang mga magulang sa isang family reunion nila sa New York.
Sabi nga, noong bata parang galit na galit ang mga visa officer sa madlang pinoy na aplikante at halos lahat ng mga nakapila ay nakita niyang umalis na halos luhaan.
‘Buti pa nga raw ang isang seksing Pinay binigyan ng visa dahil nakapag-asawa ng gurang na Kano.’ inggit ng kuwagong nagmamaktol.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talaga palang istrikto na sila sa mga bibisita doon, dapat itigil na nila ang pangongolekta sa lahat ng mga aplikante bago ito ma-isyuhan ng visa.
‘Sino ba naman ang gusto manirahan ngayon sa Amerika kung ang kanilang pangulo ay galit sa mga dayuhan at harapang ipinapakita ang kaniyang pagiging ‘racist’ sa buong mundo ?’ sabi ng kuwagong nagkukumahog.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naiisip nila tuloy na tama yata si Boss Digong sa kaniyang ipinakitang galit sa mga Kano dahil sa walang humpay nilang panloloko sa madlang Pinoy.
Abangan.
Ang pamilya ni Michael Garing!
NAGPAPASALAMAT sina Mesias at Leah Garing, magulang ni Michael Garing na pinatay sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro, kay Prosecutor Joanne Abas dela Cruz, na isinampa ang kasong murder sa sala ni RTC Judge Tomas Leynes laban sa limang akusado.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasungkit ng mga autoridad sa pamumuno ni Police Officer Mario Quinay, ng Naujan Police Station, ang isang Jason Capote dahil sa kanyang katangahan sa ginawang pagtatago.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wanted pa rin sina
Sandy Gelena, Haries Gelena, John Neil(Janel) Alcobera at isang John Doe.
Ika nga, masusungkit din kayo!
Abangan.
- Latest