^

PSN Opinyon

Inaabuso na ang suporta

US IMMIGRATION NOTES - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MANANATILI raw si Gen. Ronald “Bato” dela Rosa bilang PNP chief. Buong-buo pa rin ang tiwala sa kanya. Ito ang pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte sa kabila nang maraming panawagan na magbitiw na si Dela Rosa dahil sa nangyari sa Korean businessman na si Jee Ick-joo na dinukot sa kanyang tahanan sa Angeles City, dinala sa Camp Crame at doon pinatay. Ayon kay House Speaker Alvarez, malaking insulto ito kay Dela Rosa, at tila wala nang respeto ang kapulisan sa kanya kung mismo sa Crame pa naganap ang krimen, ilang hakbang lamang mula sa kanyang tanggapan.

Hindi ko inaasahan na sisibakin ni Duterte ang ma­tagal at matapat niyang tauhan. Kahit ano pa ang gawin ni “Bato”, sigurado may suporta ni Duterte. Kahit ano. Kaya kahit araw-araw manood ng concert, sine, kumanta­, sumayaw at ano pang mala-showbiz na aktibidad, na pinuna rin ni House Speaker Alvarez, may tiwala pa rin ang Presidente sa kanya. Sana lang ay gumawa siya ng mga hakbang at kilos para mapurga na ang PNP ng mga kriminal, at hindi ipakita lamang ang kanyang kamao. Kilos, hindi salita. Aksyon, hindi lamang banta. Napakababa na ng tiwala ng mamamayan sa mga pulis. Ano ang gagawin mo kung may mga pulis na kumakatok sa pinto mo? Matutuwa? Matatakot? Tatawag ng media, kamag-anak, abogado? Sisiguraduhing may CCTV? 

Malinaw na inaabuso ng ilang pulis ang suporta ni Duterte. Ang partikular na halimbawa ay ang kanyang suporta sa grupo ni Supt. Marvin Marcos, na pumatay kay Mayor Espinosa Sr. sa loob ng kanyang kulungan. Kahit malinaw na planado ang pagpatay sa mayor, nagpahayag ng suporta si Duterte sa kanila, at sinabing hindi pa makukulong. Kaya lahat na lang ng kilos ng mga pulis ngayon ay may kinalaman sa droga, kahit kriminal na ang intensiyon. Baka inaasahan ang suporta mula sa Presidente, basta’t may kinalaman sa droga, kahit wala. Nalalagay sa peligro ang lahat, hindi lang mga dayuhang negosyante na tila target ngayon ng mga pulis na ito. Kahit sabihin pa ng PNP na walang dapat ikabahala ang komunidad ng mga dayuhan, ang nangyari sa Koreano ay sapat na para mangamba ang lahat. Kailangang pag-aralang mabuti ang mga kilos ng pulis ngayon, dahil na rin sa suportang ibinibigay sa kanila ng Presidente.

SUPORTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with