MARAMING proyekto ng nakaraang administrasyon, nababoy at natengga dahil sa katarantaduhan ng ilan.
May problema sa integridad ng mga dating umupo sa bids and awards committee ng pamahalaan.
Kinukuwestiyon ng mga kontratista ang mga iregularidad partikular sa isyung mayroon silang mga pinapaboran. Ang takbuhan ng mga talunan, korte. Habang ang mga big ticket project, nakatengga.
Budget indigestion ang nangyari. Ambibilis nilang humingi ng pondo pero pagdating sa implementasyon, kilos-suso. Kung sa Tagalog, naimpatso sa sobrang katakawan.
Resulta, kalbaryo sa publiko. Hindi napapakinabangan ang mga proyektong milyones ang inilaan na pondo.
Sang-ayon ako sa sinasabi ng ilang eksperto, isa na lang ang dapat kausapin at maging katransaksyon ng gobyerno sa mga big ticket project. Hindi na dapat mangyari ang ipinairal noon ng mga dilaw.
Para lang mabigyan ng pabor at mapagbiyan ang kanilang mga katsokarang kontratista, hinati-hati ang malalaking proyekto. Klasikong halimbawa ang MRT3.
Kaya noong nagkawindang-windang na ang operasyon, hindi nila malaman kung sino ang dapat panagutin.
Lahat ng mga nakikita at nararanasan natin ngayon, resulta ng mga kapalpakan at kapabayaan ng nakaraang administrasyon.
Hindi dapat payagang mangyari ng kasalukuyang administrasyon ang sistemang ipinairal ng gobyerno noon.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account.