Hotline: 09198972854
Tel. No.: 7103618
ANG HALIGI NG TAHANAN, sandalan at taga protekta ng kanyang pamilya na para bang parating sinasabi, ‘habang andito ako walang masamang mangyayari sa inyo’.
“Hindi ko na alam kung saan ko itatago ang anak ko. Parang iba’t-ibang tao ang naghahanap sa kanya maiurong lang ang kaso,” pahayag ni Fridelyn.
Tinutukan ng mismong ama ng kutsilyo sa bewang at tinakot na huwag magsumbong sa kahit na kanino. Ito ang nakasaad sa sumbong ng itatago namin sa pangalang ‘Julia’.
Nakadagdag sa problema ng ina ni Julia noon na si Fridelyn Arat ang pagkakawala ng kanyang anak.
“Nagahasa kasi ang anak ko kaya’t nandun siya sa pangangalaga ng DSWD. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon,” wika ni Fridelyn.
Makalipas ang ilang buwan ay naibalik na sa kanya ang anak at isinalaysay nito sa ina ang dahilan ng pag-alis sa poder ng Social Worker.
Kwento ni Fridelyn mismong ama ni Julia na si Jonathan ang gumahasa rito. Nagkahiwalay si Fridelyn at Jonathan kaya’t naiwan sa pangangalaga ng ama si Julia sa Iligan City.
Ika-15 ng Disyembre 2015 nang magtungo si Fridelyn kasama si Julia sa Iligan City Police Station 4 upang ireklamo ang panghahalay na ginawa ng ama ni Julia sa kanya.
Mismong si Julia ang nagsabi sa ina ang ginawa sa kanya ng ama nang pumunta sila sa interview nito sa Aloran Police Station kung saan una silang nakapagsampa ng kasong Rape (2 counts).
Natuklasan din na may maraming mga insidente ng panghahalay na naganap nung sa iba’t-ibang petsa. Hindi raw ito nakapagsumbong sa kanya sa takot sa ama.
“Inasistehan ko ang anak ko na magsampa ng kasong Rape nung Oktubre 2015. Nung Disyembre 2015 nagpunta kami sa Iligan City Police Station para sa pormal na pagsasampa ng kaso,” sabi ni Fridelyn.
Sa salaysay ni Julia inamin niya na ginahasa siya kay PO1 Mercie Amargo ng Women and Children Protection Desk noong ika-15 ng Disyembre 2015 bandang 10:30 ng umaga kasama ang Social Worker ng Gender and Development kung saan siya namamalagi.
Naganap ang panggagahasa sa mismong bahay nila noong Hulyo 28, 2015. Pagkatapos daw nilang maghapunan ay nagpaalam siya sa kanyang ama na pupunta lang sa internet shop at babalik din kaagad.
“Huwag kang lumabas at may ibibigay ako sa ‘yo,” sagot ng kanyang ama.
Hindi na lumabas si Julia at nagpilit dahil lasing ang ama. Naghintay siya kung ano ang ibibigay kaya pumasok siya sa kwarto. Pumasok ang ama na may dalang kutsilyo at baso. Hindi niya alam kung anong laman ng baso.
“Umiyak ako dahil natakot ako may dala siyang kutsilyo. Sumigaw siyang maghubad. May kapitbahay na tumatawag nangungutang, lumabas si papa sabi niya wala, pumunta ka dun matutulog na kami,” salaysay ni Julia.
Sapilitang tinanggal ng kanyang ama ang kanyang t-shirt at tinakpan ng kumot ang kanyang bibig. Pinahubad nito ang kanyang bra at pinisil-pisil.
Hinubad nito ang kanyang short at panty. Sapilitang inihiga sa kama at ibinukaka ang kanyang hita sabay dinilaan ang kanyang ari.
“Hinubad ni papa ang kanyang T-shirt pati na ang pangbabang damit at pumatong siya sa ‘kin sinubukan ko magpumiglas para maitulak siya pero hindi ko kaya ang bigat nya,” ayon kay Julia
Sa takot ni Julia wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak, hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Itinapat ng kanyang ama ang ari nito sa ari ni Julia hanggang sa maipasok nito sa kanyang anak. Naramdaman na lang ni Julia na basa ang kanyang ari. Nagbihis si Jonathan at kinuha ang kutsilyo sabay labas ng kwarto.
Hindi siya kaagad nakapagsumbong sa kanyang ina dahil wala ito dun. Hindi rin siya makapagsabi sa iba dahil binantaan siya ng ama kinaumagahan ng ‘Wag kang magsasabi kahit kanino, kung sino ang pagsabihan mo papatayin ko’.
Limang beses na raw siyang ginahasa ng ama. Una noong Hulyo 2013, sumunod Agosto 2013, Oktubre 2013, Disyembre 2013 at Enero 2014. Wala raw nakakita ng halayin siya ng sariling ama.
“Gusto ko makulong siya,” sabi ni Julia.
Dininig ang kaso sa Prosecutor’s Office. Hindi na nagpakita si Jonathan. Hinihintay na lamang nila ang paglalabas ng ‘warrant of arrest’ laban dito sa kasong Rape (5 counts) sa Iligan.
Sa Aloran naman ay naglabas na ng ‘order of arrest’ si Acting Presiding Judge Edmundo Pintac ng Regional Trial Court Branch 13, Oroquieta City noong ika-17 ng Pebrero 2016 sa kasong Rape (2 counts).
Dumagdag pa sa problema ni Fridelyn ay nang inakala niyang tumakas si Julia sa Social Worker. Napag-alaman niyang kagagawan pala ito ng mga kapatid ng ama. Tinakot ang tomboy na kaibigan ni Julia. Kung saan-saan siya dinala at sinaktan pa kasama ng tomboy na tumulong sa anak.
Makalipas ang ilang buwan ay nakahanap ng pagkakataon ang dalawang para makatakas. Ang tanong ni Fridelyn anong maaari niyang gawin laban sa mga nanakit at kumuha sa kanyang anak.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, Bakit hindi nila kasuhan ang mga tiyuhin ng ‘Serious Illegal Detention’ at pati ang tomboy bilang ‘accessory’ sa krimeng ito.
Medyo magulo ang takbo ng kwentong ito ang pinagbabasehan na lang naming ay ang binigay na dokumento sa amin na pirmado ng Hukom na may order sa mga pulis na siya’y hulihin. May kaso pang nakabinbin na ganun din ang kwento. Lilinaw naman ng lahat ng ito kapag nagkaroon ng isang malawakang pagliltis at bandang huli maparusahan ang dapat managot kundi naman pawalang sala ang inosente.
Kung ako ikaw Jonathan kung wala kang kasalanan harapin mo ang mga kasong ibinibintang sa iyo. Bandang huli lalabas din ang katootohanan.
(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari rin po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
NARITO ang litrato ni Jonathan. Masdan ninyo ang ‘Amang Rapist’ na ito. Kung sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ni Jonathan o ng lalaking nasa litrato ay ipagbigay alam lamang sa mga numero sa taas.