Abeto Uy at Makati RTC Judge Subia

NANAWAGAN sa Supreme Court ang isang negosyante para sibakin ang isang Makati City Regional Trial Court Judge Josefino Subia, ng Branch 138, sa diumano’y pangongotong ng P15 million sa Steel Corporation of the Philippines my Philippines na complainant sa isang kaso laban sa 5 insurance companies na nabigong magbayad sa kanila ng insurance claims.

Isinumbong ni Abeto Uy, chairman at CEO ng Steel Corporation of the Philippines my Philippines, ang huwes sa SC matapos magbigay diumano ng P7 million downpayment para paboran sa kanyang case problem laban sa limang insurance companies.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 7-pages complaint-affidavit ni Uy sa SC-OCA noong July 20, 2016, hindi umano tinupad ni Judge Josefino Subia ang naging kasunduan na mapapaboran siya sa claims laban sa mga insurances tungkol sa danyos na naging sanhi nang sunog sa kanilang steel plant sa Balayan, Batangas last December 9, 2009.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MIMSO, ang mga inirereklamong insurance companies ay ang Philippine Charter Insurance Corporation, Asia Insurance Philippines Corporation, Mala­yan Insurance Company Inc., New India Assurance Company Ltd., at MAPFRE Insular Insurance Corporation.

Base sa “All Risks” insurance policy ng SCP, nagsumite ito ng insurance claim ng halos US$33,882,393, para sa material damage loss at US$8,000,000 para sa business interruption losses dahil sa pagkasunog ng steel plant ng kanilang company.

Ayon sa impormasyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last March 30, 2015 ay nagsampa nang case problema sila at kay Judge Subia ang kaso at noong Abril 2015 naghain ng motion to dismiss ang kampo ng mga insurance companies sa halip na bayaran ang insurance claims ng SCP.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang pakuyakuyakoy ang kaso, isang Rolando Palad, ng Philsteel Group of Companies na nakatalaga sa Group Risk Ma­nagement bilang insurance consultant, ang lumapit diumano kay Uy at sinabihan umano na kaanak ng kanyang maybahay si Judge Subia at nag-alok diumano ito na idi-deny ang motion to dismiss ng mga insu­rance companies kung magbibigay siya ng P15 million?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakipagkasundo na lamang si Uy sa takot na mabahura este mali mabasura pala ang kaso, kay Palad para sa diumano’y P7 million downpayment ang kanyang puwedeng ibigay diumano kay Subia at saka na lang ibibigay ang P8 million balance?

Sabi ni Uy, na ibinigay niya ang P7 million diumano kay Palad sa loob ng kotse na nakaparada sa parking lot ng SCP.  Ang kotse ay minamaneho ng isang alyas “Jojo” na diumano’y pamangkin ni Judge Subia?

Gaya nang inasahan, ibinasura ni Judge Subia ang Motion to Dismiss ng mga insurance companies noong Enero 18, 2016 pero natanggap lang ng abogado ng SCP ang naturang order last Enero 26.

Agad namang naghain ng Motion for Reconsideration and Motion for Inhibition ang mga insurance companies na mu­ling ibinasura ni Subia noong Marso 21, 2016, pero naghain ulit ng MR ang mga insurance companies noong Abril 19.

Ayon sa sumbong, nagpalabas umano ng order si Subia last April 26, 2016, na nag-inhibit siya sa kaso at agad na ipinalipat ang lahat ng record ng kaso sa Office of the Executive Judge para sa re-raffle.

Sabi sa sumbong, nagbitiw si Palad sa SCP sa sunod-sunod na mensahe nito kay Uy dahil sa kahihiyan nangyari sa diumano’y pagbaligtad ni Judge Subia?

Sinabi ni Uy, it is apparent from the chain of events and the text messages of Mr. Palad that Judge Subia extorted money from me in exchange for denying the Motion to Dismiss filed by the insurance companies. Judge Subia’s actuation undeniably undermines the people’s faith in the judiciary and should not be allowed to continue to sit as a judge.

Abangan.

Show comments