^

PSN Opinyon

Ibalik daw ang ROTC

K K LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY panukala si Pres. Rodrigo Duterte na ibalik muli ang ROTC sa kolehiyo. Kung siya ang masusunod, nais niyang ibalik ang programa para sa lahat, babae at lalaking estudyante. Hati ang opinyon dito. May mga nagsasabi na magandang ibalik ang ROTC, para mahasa naman ang mga estudyante sa pagiging disiplinado, at mas maging mapagmahal sa bansa. At para na rin dumami ang reser-vist force ng bansa, na sa ngayon ay napakaliit kumpara sa puwersa ng ibang bansa sa rehiyon. Ang Vietnam ay may limang milyong reserves, habang ang China ay may apat na milyon. Ang Pilipinas ay may kulang-kulang kalahating milyong reserves. Ang kasalukuyang isyu sa China ay dahilan din daw kung bakit kailangang ibalik ang ROTC.

Pero para sa mga tumututol, maraming nagaganap na pang-aabuso sa programa ng ROTC. Tutol ang ilang grupong kabataan dahil tila itinuturo ang pagiging militar sa kabataan. Nandyan na rin ang isyu ng hazing, pananakit, korapsyon at marami pa. Pinalitan ang ROTC ng National Service Training Program (NSTP), kung saan tumutulong ang mga estudyante sa mga mahihirap na komunidad at iba pang mga nangangailangan ng tulong. Ito raw ang dapat ipalaganap, at hindi ang pagiging “sundalo”.

Maraming bansa na obligado ang lahat ng kanilang mamamayang kalalakihan na dumaan sa pagsasanay sa pagiging sundalo gaya ng Israel, Switzerland, Taiwan, Singapore, Malaysia, Russia, China, South Korea, Brazil at iba pa. Maiintindihan ko ang Israel, na pinaliligiran ng mga kaalitang bansa. Kapag nagkaroon ng digmaan, agad matatawagan ang buong mamamayan para lumaban. Ganun din ang South Korea, dahil sa katabing North Korea.

Sa tingin ko magiging mainit ang debate sa isyung ito, bago maibalik ang programa. Mismo ang chairman ng Commission on Higher Education (CHED) ay hindi kumbinsido na kailangang ibalik sa ngayon. May mga ibang pamamaraan daw para maging disiplinado at mapagmahal sa bayan ang kabataan. Sinita rin ang mga naging problema ng ROTC, kaya inalis ito sa programa. Kung ibabalik daw ang ROTC, kailangang pag-aralan para hindi maulit ang mga isyu na naging sanhi ng pagtanggal nito, tulad ng korapsiyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with