^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ilantad ang nagastos at campaign contributions

Brenda Batuto, Romeo T. Limpangog, Le Phyllis F. Antojado-Orillaneda - Pilipino Star Ngayon

NOONG Huwebes nagtapos ang deadline sa paghaharap ng statement of contributions and expenditures (SOCE) ng mga kandidato. Pero wala pa umano sa kalahati ang mga nag-file ng SOCE. Kabilang si presidential candidate Mar Roxas sa hindi nakapag-file at humingi ng 14 na araw na extension sa Commission on Elections (Comelec). Tanging si Roxas sa mga tumakbong presidente ang hindi nakapag-file ng SOCE.

Si Grace Poe ang may pinakamalaking nagastos na umabot sa P510.8 million at sinundan ni Jejomar Binay na gumastos ng 463.3 million. Pangatlo si Ro­drigo Duterte, na nanalong presidente, na uma­bot ang nagastos sa halagang P371.4 million at si Mi­riam Defensor Santiago na gumastos ng P74.6 million.

Si Vice President-elect Leni Robredo ang may pinakamalaking nagastos, P418.6 million na sinundan ni Chiz Escudero, P322 million; Alan Peter Ca­yetano, 189.12 million; Bongbong Marcos, P140.54 million; Antonio Trillanes IV, P61.89 million at Gringo­ Honasan, P26.25 million.

Nakasaad sa SOCE ang pinanggalingan ng campaign contributions at maski ang halaga ng sariling pera ng kandidato na ginamit sa pangangampanya. Nakasaad sa Comelec Resolution 9991 na ang sinumang hindi makapag-file sa SOCE sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P30,000. Sa ikalawang pagkakataon na hindi makapag-file ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P60,000 at pagbabawalan nang makatakbo sa public office.

Sa dami ng mga hindi nakapag-file ng SOCE, maraming pagmumultahin ang Comelec. Nakapagtataka naman kung bakit hindi magawang makapag-file sa tamang oras ang mga kandidato.

Nagkakaroon tuloy nang pagdududa ang marami na baka kaya hindi makasunod sa deadline ang mga kandidato sa pag-file ng SOCE ay dahil mayroon pa silang dinodoktor sa mga nagkaloob ng pera. Baka rin naman sobra-sobra ang nagastos at ginagawan ng paraan para mapababa ang nakuhang contrubutions­.

Dapat namang maging mahigpit ang Comelec sa mga tumakbo sa electioin at ipatupad kung ano ang nasa batas. Hindi dapat manaig ang kagustuhan ng mga tumakbo na kung kailan maisipang mag-file ng SOCE.

SOCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with