Teknolohiyang Pinoy vs. money launderer, kailangan

AKING napag-alaman na isang kumpanyang Pilipino na binubuo ng mga young professionals, entrepreneurs at dating mga OFWs ang nag-develop ng kauna-unahang teknolohiyang Pinoy laban sa mga money launder at mga terorista.

Hindi natin maikakaila na kailangan ng ating bansa, gobyerno’t taumbayan, ng teknolohiyang dinevelop at naka-copyright sa Mohur, Inc. upang manumbalik ang tiwala sa buong remittance and banking system ng Pilipinas.

Maliban sa AML/CTF Apps ng Mohur, Inc. totoong kaila-ngan mapalakas ang Anti-Money Laundering Act ng Pilipinas na alam ko naman ay pinag-iisipan ngayon nina Senators Serge Osmeña at TG Guingona.

Na-expose ang kakayahan ng ating bansa na labanan ang pagpasok ng ‘dirty money’ o money laundering matapos ang malaking eskandalo hinggil sa pagnanakaw ng $80 milyon mula sa Central Bank ng Bangladesh na dinala sa Pilipinas.

Ayon kay Nigel Canonizado, Vice President for Research and Systems Development ng Mohur, Inc. na siyang may hawak ng copyright ng 247 RemitPlus, hindi sana nakapasok sa bansa ang nakaw na pera kung mayroon ang ating Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng tinatawag na “Money Launderer and Terrorist Interdiction Program” upang masubaybayan ang mga transaksyon ng mga banko at mga remittance company.

Kaugnay nito inendorso ni Fr. Albert Alejo ng Philippine Jesuit’s Anti-Corruption Program ang software ng Mohur na “Money Launderer and Terrorist Interdiction Program” bilang mabisang pangontra laban sa money laundering, smuggling, tax evading, human trafficking, graft and corruption at iba pa.

Kabilang sa features ng nasabing software na pagmamay-ari ng Mohur ay ang mga sumusunod:

• Awtomatikong pag-monitor at pag-suspinde ng aggregate transactions o ang paulit-ulit na pagpapadala ng iisang sender na lalagpas sa 500,000 piso;

•Awtomatikong message alert sa mga regulatory body gaya ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) mula nang matunugan ang nasabing aggregated transaction;

• Awtomatikong suspensiyon ng anumang kahina-hinala at ilegal na transaction;

• Awtomatikong suspensyon ng transaksyon sq tuwing lalabas ang mga kaduda-dudang personalidad na pinangalanan sang-ayon sa listahan ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng United States, ng Her Majesty Treasury (HMT) ng Britain at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Pilipinas.

Ani Nigel, na tulad ko ay tubong Zambales, ay binuo nila ang 247 RemitPlus na meorng AML / CTF Apps upang magbigay ng alternatibong sistema ng pagpapadala ng pera na ligtas mula sa mga kawatan at hindi magagamit ng mga malalaking sindikato.

Ang 247 RemitPlus rin nais gamitin ng 7-Eleven stores sa buong Pilpinas upang makapag-bigay ng remittance service sa mga OFWs at mga mahal nila sa buhay. Naka-pending ngayon ang lisensiya ng 7-Eleven na maging Remittance Agent sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang software na Money Launderer and Terrorist Interdiction Program ay nakapaloob sa 247 RemitPlus money transfer platform at pagmamay-ari ng Mohur ay matagumpay na pumasa sa pagsusuri ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Marso 29, 2013 upang palakasin ang aplikasyon ng Mohur bilang kauna-unahang remittance company na tumugon sa BSP 706.

Sa kasalukuyan, ang Mohur ay ang Remittance Service Provider ng PeraGram Inc. (representative ng MoneyGram International) at ng Land Bank of the Philippines.

Show comments