EDITORYAL - Shabu kahit saan

KAHAPON, meron na namang nakumpiskang shabu sa dalawang Tsinoy sa Araneta Ave. cor. Ramon Magsaysay Blvd. Maynila. Umabot sa 30 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P150 mil­yon ang nakumpiska sa mga suspek. Hindi na nagawang makatakas ng mga drug dealer sapagkat nakahanda ang mga miyembro ng PDEA. Noong Martes, nakakumpiska rin ng 36 na kilo ng shabu sa Bgy. Lawang Bato. Valenzuela ang PDEA na nagkakahalaga ng P180 milyon. Nahuli ang dalawang Tsinoy habang papalabas sa warehouse na kinaroroonan nang mga naka-packed nang shabu at nakapalaman sa 12 heavy milling machines. Nakatakas naman ang dalawa pang suspect. Ayon sa PDEA, sadyang “pinalaman” sa milling machines ang mga shabu at pinalabas na legal shipment ang mga ito. Dumating umano sa bansa ang shipment noong Enero 9.

Ayon sa PDEA, dumaan sa Port of Manila ang shipment at nakapagtatakang hindi ito na-detect ng Bureau of Customs (BOC). Ayon pa sa PDEA, malaki ang kanilang hinala na sa ibang bansa ipinakete ang mga shabu at saka dinala sa bansa. Nirentahan lamang umano ang warehouse sa Valenzuela noong Sabado at kinabukasan ay dinala na roon ang shipment ng 12 milling machines na may palamang shabu.

Malakas ang loob ng mga Tsinoy na magpa­kalat ng shabu sa bansa sapagkat alam nilang maluwag ang batas dito. Mahuli man sila, kulu­ngan lamang ang bagsak. Hindi naman sila maa­aring bitayin sapagkat walang death penalty. Kaya kahit na sunud-sunod ang pagkakahuli sa mga drug dealer, wala pa rin silang takot. Madali lang kasing ipasok sa bansa ang shabu sapagkat maraming corrupt sa Customs. Imagine, nakalusot sa Customs ang bulto-bultong shabu na hindi man lamang naamoy.

Nararapat paigtingin pa ng PDEA ang pagmamanman sa drug traffickers. Marami pang Tsinoy ang gagawa nang masama dahil nga maluwag ang batas. Panawagan naman sa mga mambabatas, ibalik ang death penalty exclusive lamang sa drug taffickers. Kailangang mamatay ang mga salot!

Show comments