PAHABOL na kuwento ito sa Araw ni Rizal, Disyembre 30, mula sa aklat kasaysayan na “Stories Rarely Told” (Newday Publishing) ni Prof. Augusto De Viana.
Maikli, malungkot ang naging buhay ng babae na tinuring ni Rizal sa “Mi Ultimo Adios” na kanyang “dulce extranjera (sweet stranger).” Anak si Josephine Bracken ng British army corporal na si James Bracken ng Ireland at ni Elizabeth Macbride. Isinilang siya, at isang kapatid na lalaki at tatlong babae, kung saan-saan nadestino ang ama. Matapos ipanganak si Josephine nu’ng 1876 sa Hong Kong, namatay ang ina. Dahil hindi sila kaya alagaan ng ama, ipinaampon silang magkakapatid.
Pinalaki si Josephine ni George Taufer, retiradong makinista mula New York. Maalaga ngunit sakitin ang misis nito, kaya maaga ring namatay, Ang pangalawang asawa ni Taufer ay naging malupit.
Lumala ang sira ng paningin ni Taufer nu’ng 1893. Kasama si Josephine, hinanap niya ang bantog na occulist na Rizal sa Maynila, ngunit natunton siya sa exile sa Dapitan. Sa sobrang lala, hindi na makuhang gamutin ang mata ni Taufer. Doon sa Dapitan nagtapat sa kanya si Rizal ng pag-ibig sa ampon. Nagalit si Taufer at iniuwi siya agad sa Hong Kong.
Makalipas ang dalawang taon, nang mag-18 na si Bracken, binalikan niya si Rizal sa Dapitan. Nagsama sila roon nang maligaya, ngunit nakunan ang babae.
Nagkahiwalay sila muli nang ipakulong si Rizal sa karsel ng Fort Santiago, sa hinala ng mga Kastila ng pag-uudyok ng Himagsikang 1896. Makalipas ang isang taon, Dis. 30, 1897, ipina-execute si Rizal ng mga kolonyalista. At nawasak nang tuluyan ang buhay ng kabiyak ng puso.
Marami pang sipi tungkol sa dalawa sa “Stories Rarely Told.”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)