KUNG tutuusin mas matibay ang pondasyon ni Senator Bongbong Marcos sa pag-aalaga, sa katapatan, sa pakikisama, at sa paggalang sa mga ka probinsiya nito kung ihahambing kay Senator Chiz Escudero.
Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kinakamusta nila kung umunlad o naging sagana ang Sorsogon sa haba ng panahon na umupo bilang mga politiko ang pamilya Escudero dito.
Sabi nga, may pinagbago ba ang Sorsogon kay Chiz?
Ika nga, ilang term ito naging Senator at ngayon patakbong bise presidente!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagamit ng mga Escudero ang madlang botante sa Sorsogon ng pasukin nila ang mundo ng politika dahil binitbit sila at ibinoto ng mga ito para makatungtong sa Kongreso mula sa kanyang erpat, ermat at siempre ang Senador.
‘Hindi kaya nakalimutan ni Chiz ang madlang Sorsoguenyo na tumulong sa kanilang para sa kanilang political career?’ Tanong ng kuwagong manhid.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng sumabog ang Mt. Bulusan sa Sorsogon, anong tulong kaya ang nagawa ni Chiz sa mga naapektuhan todits kaliwa’t-kanan natataranta ang madlang people sa takot na maipit sila sa nag-aalburotong bulkan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa isyu ng Rapu-Rapu mining ano ang ginawa ni Chiz sa mga tagarito nabigyan niya ba ng kabuhayan ang mga naapektuhan maliliit na ‘kabalen’ niya sa nasabing place?
Sagot - palagay ko hindi!
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, winindang ng malakas na bagyo ang Sorsogon nagliparan ang mga yero sa haybol ng mga ma-e- e - erap sa probinsiya, dumilim ang paligid dahil alaws electricity, alaws means of communication.
Tanong - ano ang ginawa ni Chiz tungkol sa mga nasalanta ng bagyo?
Sagot - iyan si Chiz ang makakasagot niyan.
Abangan.
May pera sa paputok
HINDI biro ang salaping kikitain ng madlang mamumuhunan sa paputok sa paghihiwalay ng taon kaya naman umarangkada na ang gobierno para hulihin ang mga malalakas at ban items na firecrackers.
Ika nga, dapat huwag pairalin ang pera, pera kumpiskahin at wasakin ang mga nahingi este mali nasamsam pala na sobrang lakas na paputok.
Sabi nga, iyong nakakamatay at nakakaputol ng parte ng katawan ng tao ang inuumpisahan ng hulihin sa Bulacan at ilang tagong tindahan ng mga ito.
‘Kamusta ang piccolo at watusi?’ Tanong ng kuwagong nalason.
Tanong - ano ang ginagawa ng PNP sa mga nahuhuling malalakas o pinagbabawal na paputok?
‘Sinisira ba nila ito o inuuwi? Tanong ng kuwagong hinuthutan.
Ika nga, panggamit?
‘Taun, taon na lamang ang usapin ito walang pagbabago nakakabingi ang usapan.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Tanong - ano ang dapat?
Sagot - political will!
The other day ibinalita na pumasok sa Philippines my Philippines ang mga imported firecrackers kaya naman may mga nakumpiska ang mga autoridad.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga imported firecrackers ay noon pang July pumasok sa Philippines my Philippines kapalit ang malaking halaga ng salapi?
Tanong - paano nakalusot ito?
Sagot - lagayan siempre!
Abangan.