ANG bullet proof vest – ang ginagamit karaniwan ng law enforcement agents sa kanilang operations para maproteksyunan ang kanilang katawan sa tama ng bala – ay dati’y gawa sa bakal. Kaya nga ito natawag na body armor upang mabigyang karagdagang kumpiyansa ang mga mandirigma at pati na rin ang mga kapulisan sa kanilang delikadong mga pakikipagsapalaran. Bago pa man ang ika 20 na siglo, dahil sa realisasyon na kapag bala na ang gamit na iyong mga kalaban (sa halip ng matalas na mga kutsilyo at sibat), wala ka talagang kalaban laban kung hindi lalagyan ng armor ang katawan.
Ang problema ng mga vest ay sobra itong mabigat at matigas na ang resulta’y limitado din ang iyong pagkilos. Para ka tuloy robot kapag suot ito. Salamat sa teknolohiya at noong mga dekada 70 ay nakadevelop ng matigas na plastic na pinangalanang Kevlar na napatunayang kayang pigilan kahit pa ang puwersa ng mataas na kalibre na bala ng hand guns. Maliban sa tigas, magaang din ito katulad ng anumang plastic. Ang discovery na ito – bagama’t may kamahalan sa presyo -- ay nagsalba ng di mabilang na buhay ng mga sundalo at pulis at pati na rin ng mga kriminal na gumamit din nito.
Ngayong ika-21 siglo ay may bagong kontribusyon ang Pilipinas sa mundo sa larangan ng seguridad, ang Philippine style bullet proof armor. Higit na magaang, at murang mura pa. Putok na putok sa kasikatan - parang aldub ang dating. Kahit saang pahayagan o himpilan ng tv or radyo, ito’y mapagmamasdan o paguusapan. ang tinutukoy natin ay ang saran wrap armor na gamit ng mga pilipinong patungong NAIA palipad sa ibang bansa upang ibullet proof ang kanilang mga maleta.
Only in the philippines. Ang NAIA ay ahensyang pag-aari ng gobyerno. Ang pamunuan nito’y pawang mga itinalaga ng Pangulo. Nakikita ba nila kung gaano kadesperado ang sitwasyon na mismong ang mga turista at ofw na kailangang maserbisyuhan ay natatakot dumaan sa airport dahil sa hindi maipangakong seguridad laban sa mismong kawani ng mga ito? Laglag bala – kakaibang kuwento. Abangan ang susunod na kabanata