^

PSN Opinyon

Rep. Cherry Umali, unang babaeng Nueva Ecija governor sa 2016

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

YESTERDAY, pormal ng naghain para kumain este mali kandidatura pala si Nueva Ecija 3rd district Rep. Cherry D, Umali, sa pagka - Gobernador ng probinsiya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung papalarin siya ang papalit sa asawa niyang si Nueva Ecija Governor Oyie Umali, na nakatakdang magtapos ang termino sa June 2016.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong 2007 nang unang mahalal si Rep. Cherry, bilang kauna-unahang babaeng kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan.

Sa 2016, sakaling manalo si Ateng Cherry siya ang magiging unang babaeng Gobernador sa buong kasaysayan ng Nueva Ecija.

Pangkaraniwang maybahay lang ang kongresista bago ito pumalaot sa daigdig ng pulitika. Subalit sa loob ng halos siyam na taon ng kanyang panunungkulan, niyakap ng mga Novo Ecijano ang istilo ng pamumuno ni Ateng Cherry.

Ipinakita niya na higit sa galing at karanahasan, pusong mapagkalinga ang batayan ng epektibong panunungkulan.

Unti-unti, nakawala si Rep. Cherry sa anino ng kanyang asawa. Nirespeto at iginalang ng kanyang mga kalalawigan dahil sa personal niyang mga katangian. Ngayon, hindi lang siya basta kabiyak ng Gobernador. Isa na siyang tinitingalang lider na nagpapakita ng kanyang kahandaan upang pangunahan ang buong  Nueva Ecija.

Sa halos siyam na taon bilang kongresista, naging simbolo ng katatagan, hinahon at malasakit na totoo si Ateng Cherry sa lahat ng kanyang nasasakupan sa buong distrito. Tinangap niya ang hamon ng buong tapang at ipinapakita sa kanyang mga kalalawigan na handa siya upang isakatuparan ang kanyang kahandaan na pangalagaan ang mga natamo ng tagumpay ng BAGONG NUEVA ECIJA..

Sa matagal ng panahon, naranasan na ng mga Novo Ecijano kung paano ang kalinga ng isang AMA. Sa pagkakataong ito at kung mamarapatin ng kanyang mga kalalawigan, gustong ipamalas ni Ateng Cherry ang aruga ng isang INA na totoong mapagmalasakit sa kanyang mga anak.

Isang karangalan para sa kanya ang maging INA ng nagkakaisa at naninindigang LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para kay Rep. Cherry, ang madlang people ang naging dahilan ng mga makabuluhang pagbabago na nangyari nitong mga nagdaang taon sa kalakhang lalawigan.

Sabi nga, madlang people ang nagpasya at sumulat ng bagong kasaysayan ng Nueva Ecija. Kaya’t iniiwan niya sa Novo Ecijano ang kahihinatnan ng kanyang kandidatura.

Sa buong panahon ng panunungkulan nilang mag-asawa, ipinakita nila na iba ang istilo ng kanilang pulitika. Hanggang sa ngayon, patuloy silang pinagtitiwalaan ng madlang people dahil dito.

Sa pagtakbo ni Rep. Cherry bilang Gobernador, hindi mahalaga sa kanya na magiging bahagi siya ng panibagong kasaysayan sa usaping pulitika ng Nueva Ecija—kung siya’y magtatagumpay.

Sapat na para sa kanya ang karangalan na dala tiwala at suporta na pilit niyang ipinagsusulit sa kanyang mga kalalawigan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mang­hihiram si Ateng Cherry ng higit na malawak na kapangyarihan mula sa madlang people upang tiyakin na marami pang magandang bukas na darating sa Nueva Ecija.

Abangan.

ANG

ATENG CHERRY

CHERRY

ECIJA

GOBERNADOR

KANYANG

MGA

NOVO ECIJANO

NUEVA

NUEVA ECIJA

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with