“Berdeng buhay…”
Hotlines: 09198972854
Tel. Nos.: 7103618
HINDI MO KAILANGAN MAGING ISANG ‘GREEN THUMB’ para makatulong kang baliktarin ang pagkasira ng ating kalikasan at maibalik sa dati ng dahan-dahan ang ganda ng ating mundong kinabibilangan.
Dumudumi ang paligid, lumiliit ang lugar para taniman ng mga halaman na makakatulong upang salain ang mga mapanirang hangin sa ating kalusugan.
Isang ginang na nakatira sa isa sa mga itinayong tahanan ng kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS) na si Gelicia “Geli” Mendoza ng Amandala Village sa Carmona Estates, Carmona Cavite ang nakaisip kung ano ang maari niyang i-ambag sa paglago ng luntiang kapaligiran.
Hulyo taong 2009 pa lang ng lumipat sila sa Amandala Village. Dati siyang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya’t nasa isip niya na ang pangangalaga ng kalikasan.
Sa kaalaman niya nakatulong ito upang mapangalagaan niya ang sariling paligid at tahanan.
Bagama’t hindi kalakihan ang kanilang lupa may sapat naman itong espasyo para mataniman ng punong prutas, gulay at bulaklak. Karamihan sa kapitbahay niya ay humihingi ng mga bunga ng kanyang pananim tulad ng bayabas.
“May dalawang puno ako ng bayabas at ang mga bunga nito ay malalaki. Halos umaabot ng isang kilo bawat bunga. May Lychias din na nagbibigay lamig sa bahay,” wika ni Geli.
Maliban sa mga nabanggit may ‘dragon tree’ din sila na ang bunga ay ang tinatawag na Casta?as. Ang lychias naman ay kailangang maghintay ka ng tatlo hanggang apat na taon bago mamunga.
“Dahil sa mga halaman namin nagmumukhang maaliwalas ang aming paligid. Malamig din. Kapag may bisita ako nandun lang kami sa garahe nakaupo, may lamesa dun at silya,” kwento ni Geli.
Marami na din ang nakapagsabi sa kanya na malamig ang kanilang lugar kaya hinikayat niya ang mga ito na magtanim din ng puno.
Kaya daw presko dun sapagkat hindi basta-basta pumapasok sa kanila ang init ng araw dahil may mga dahon na sumasalubong sa mga ito.
“Sa loob ng bahay namin may mga tanim kaming bulaklak. Yung mga hindi namumunga o yung tinatawag nating green palm. Gaya na lang ng Chinese Fortune Plant. Nauso na din ngayon yung Welcome Plant,” salaysay ni Geli.
Maganda ang itsura ng Welcome Plant na makapagdaragdag ng kulay sa tahanan, ang dahon nito ay dark green. Inilalagay nila ito sa banyo. Pwede din namang sa sala o kung saan mo man gustuhin. Pakiramdam kasi ni Geli komportable siya kapag may nakikita siyang kulay berdeng halaman sa lugar.
Ayon naman sa Representative ng Estates and Assets Management Group sa Carmona Estates ng PRO-FRIENDS na si Glaiza Imperial gumagawa sila ng hakbang para makapag-imbita ng mga homeowners ng at mahikayat ang mga ito na dumalo sa mga aktibidad sa kanilang komunidad. Ito ay ang ‘tree planting’ at ‘waste management seminar’.
“Masaya naman ang mga homeowners sa pagtatanim para magkaroon ng puno ang komunidad,” ayon kay Glaiza.
Maliban sa homeowners may mga kasama din silang kawani ng barangay.
Ang empleyado naman ng PRO-FRIENDS na si Mike Asinas isang Horticulturist ang aming nakakwentuhan. Kapag sinabi mong Horticulturist ito yung pag-aaral sa mga gulay, ornamental plants at prutas.
Isa sa benepisyong nakukuha sa pagtatanim ng mga halaman o puno sa sariling lugar ay para makapagbigay ng ganda dito.
“Kapag ang isang bahay napapalibutan ng kulay berde o iba’t-ibang halaman sabi nila mas malambot. Isipin mo yung bahay na puro bato parang ang tigas ng dating. Ang halaman ay tumutulong din para palamigin ang lugar,” pahayag ni Mike.
Ang punong mas mataas ay nakapagbibigay ng lilim. Kapag mga gulay naman ay pwede mo silang pitasin at kainin. Nakatulong ka na sa kalikasan, nalilibang ka pa sa pagtatanim at may nakuha ka pang benepisyo mula sa ginagawa mo.
Kung sakaling nagdadalawang isip kang magtanim ng mga halaman dahil maliit lang ang lupa sa inyong bakuran may mga pagpipilian ka.
“Dedepende yan sa hilig mo. Pwedeng mga bulaklak, kung gusto mo naman yung mga halamang napapakinabangan o maihahalo sa pagkain. Magtanim ka ng mga herbs at spices gaya na lang ng tanglad at pandan,” sabi ni Mike.
Kung pipiliin mo naman ang namumunga ng mga prutas may maliliit na puno naman nito. May mga gulay din na pwedeng pagapangin na lang at gawing balag sa harapan.
Isa rin sa kagandahan na may halaman sa bahay ay nakakahawa ito sa ibang kapitbahay. Pagdating ng panahon magkakaroon na sila ng sariling pananim hanggang sa buong komunidad na.
“Yung mga co-home owners ko sa Amandala kahit sa Phase 5 at 6 oag pumunta sila sa bahay ko at nakitang maraming halaman nagagandahan sila sa mga pananim ko at humihingi,” ayon kay Geli.
Sa paiba-ibang klima natin ngayon hindi natin alam kung kelan darating ang unos. Ang mga malalaking puno na pumipigil sa mga pagguho ng lupa (land slides) ay nakakalbo na.
Bihira ka na rin makakita ng mga tahanan na may mga halaman sa kanilang lugar. Madami ng mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok na humahalo sa hangin at makakapinsala sa ating kalikasan at kalusugan.
Magandang bagay na ang PRO-FRIENDS ay nakaisip ng paraan upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan. Simulan sa tahanan hanggang sa buong komunidad ang magtulung-tulong sa pagtatanim.
Ang kalikasan na bumubuhay sa atin ang dapat nating pangalagaan at pagyamanin. Ugaliin nating magbigay ng sariling kontribusyon sapagka’t sa dulo nito ay tayo laamang din naman ang makikinabang at matutulungan nito.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest