^

PSN Opinyon

‘Pulot’ hindi pwede mag-Presidente?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAKAKALUNGKOT ang sabi ni Supreme Court senior justice Antonio Carpio sa citizenship case ni Sen. Grace Poe. Aniya dahil “pulot” lang ito, hindi umano ito natural-born kundi naturalized Filipino, kaya batay sa Konstitusyon ay hindi rin maari mag-President, VP, senador, kongresista, o mahistrado ng Korte Suprema.

Kakampi man o kaaway ni Poe, mapapaisip ang ma­mamayan kung makatarungan ang pahayag. Ika nga ni family law specialist Prof. Katrina Legarda: “Libo-libong abandonadong bata ang maaapektuhan! Kung hin ipagpapalagay ang ‘pulot’ na natural-born, walang abandonadong bata ang maari humangad ng pambansang katungkulan. Napaka-teribleng diskriminasyon niyan, hindi ba?”

Talaga! Pantay-pantay lahat ng nilalang. Saad ‘yan ng Bill of Rights ng Konstitusyon: “Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sinoman, nang wala sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sinoman ng pantay na panga-ngalaga ng batas.” Pangunahin ‘yan.

Nagmula ang opinyon ni Carpio sa prinsipyo ng “jus  sanguinis,» karapatan sa dugo. Dapat Filipino ang magulang para maituring na natural-born, at maari mag-pambansang pinuno. Dahil hindi kilala ang magulang ng «pulot,» ani Carpio, naturalized lang ito sa pag-ampon, utos ng korte, o pagkaloob ng passport.

Gan’un nga ba? Sinasabing sentido-komon ang batas. Kasalanan ba ng sanggol na iniwan siya ng magulang, kaya walang rehistro ng kapanganakan? At dahil du’n dapat magpa-naturalize pa ito?

“Hindi gan’un!” giit ni Legarda, at mga kapwa-child rights lawyers Eric Mallonga at Elizabeth Pangalangan. Sa international law, kinikilala ang “pulot” na mamamayan ng bansang pinag-pulutan, anila. At dapat ipagpalagay ito na natural-born. Saad ito sa transcripts ng 1934 Constitutional Convention. Dayuhan lang ang nagpapa-naturalize para maging mamamayan; e hindi naman dayuhan ang “pulot,” di ba nga?

ACIRC

ANG

ANTONIO CARPIO

BILL OF RIGHTS

CARPIO

CONSTITUTIONAL CONVENTION

DAPAT FILIPINO

ELIZABETH PANGALANGAN

ERIC MALLONGA

GRACE POE

HINDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with