^

PSN Opinyon

‘Palasyo, natauhan na sa trapiko?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARUNONG din palang umamin ng kapalpakan ang mga nakaupo sa Palasyo.

Nagising na rin sila sa wakas dahil ang publiko, naga­galit na, miserable na ang buhay dahil sa trapiko, malungkot, nawawalan ng pag-asa at malapit nang mapuno.

Aminado ang Malacañang na kaya nagkakawindang-windang ang trapiko sa Metro Manila dahil sa kakula­ngan ng imprastruktura partikular ng mga daan at flood control infrastructure o mga kanal at estero.

Ganito rin ang suhestiyon ng Management Association of the Philippines (MAP). Imprastruktura, pagbibi­gay ng sapat na impormasyon at  kaalaman sa publiko at pagpapatupad ng batas. Kung tawagin nila engi­neering, education at enforcement.

Sino ba naman kasi ang hindi mabubuwisit, umaga palang mala-parking lot na EDSA na ang bumubungad sa mga mananakay at motorista. Konting ulan lang, mataas na agad ang baha hindi na makausad ang mga sasakyan. Ang mala-sardinas naman na mga bagon ng MRT at LRT, pupugak-pugak at puro aberya.

Naranasan ito noong Setyembre 8. Ang mga moto­rista at mananakay, gabi noong umalis sa kanilang mga tanggapan pero umaga na, tengga pa rin sa daan.

Kung babalik-tanawin noong panahon ni dating­ Pre­sident Gloria Macapagal-Arroyo, nagsisimula pa lang ang tag-araw agresibo na sa declogging­ at dred­ging activity­ o paglilinis ng mga kanal at estero ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Hindi ganito ang DPWH at MMDA ng kasalukuyang admi­nistrasyon bagkus ang makikita, abala sa pulitika at pamumulitika.

Pero bumawi naman si President Noy Aquino nitong mga nakaraang araw. Sisimulan na raw nila ang mga malalaking proyekto o big ticket transport project tulad ng mga airport, seaport, tulay at mga daan.

Lumalabas, sa loob ng limang taon, saka palang sisimulan ng administrasyon ang mga imprastrukturang dapat noon pa nakikita, nararamdaman, napapakinabangan at natatamasa ng mga ‘boss.’ Hindi ‘yung ngayon palang sila kikilos dahil ang tao, napuno na.

Kaya nga sa pag-aanalisa ng BITAG Live sa uri ng pamamahala, pangangasiwa at pamumuno sa bansa, ano ang pipiliin ni Juan at Juana Dela Cruz, pagbabago o pagpapatuloy ng sinasabing tuwid na daan?

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUANA DELA CRUZ

MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

MGA

NBSP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with