THE other day kumambiyo pa atras ang si BOC Commissioner Bert Lina matapos niyang isulong ang pagbulatlat sa mga balikbayan boxes ng mga OFW’s from different places abroad na ipinadadala sa Philippines my Philippines kaya naman sumikat ito sa mga naggagalaiti sa galit na ‘Unsung Heroes.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati mga kongresista at mga Senador ay gustong imbestigahan si Lina sa mga diskarte niyang palpak dahil nawala siguro sa isip niya na 9 months na lamang at presidential election na sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, nagkulay politika ang isyu?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong unang saltada ng kainitan ni Lina, ipinatutupad lamang niya ang batas sa Tariff and Customs Code of the Philippines my Philippines kaya niya iniutos na bulatlatin ang mga balikbayan boxes ng mga OFW’s para malaman ng bureau kung sobra sa P10,000 ang epektos este mali padala nilang regalo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa gimik na ito binatikos ng mga OFW’s si Lina kaya naman sa public opinion laglag na sila sa bureau at ang masama pa mukhang nadamay pa ang mga nananahimik na kaalyado ng palasyo sa isyu? Hehehe!
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Maganda ang naisip at nasilip ni Lina na bulatlatin at buwisan ang mga sobra o overquantities na padala ng mga OFW’s pero ‘wrong timing’ ang gimik dahil 9 months na lamang at mag-e-eleksyon na. Ang masama pa baka lalong magiba ang mamanukin ng administrasyon.’ sabi ng kuwagong flying voter.
Sabi nga, dito gaganti ang OFW’s dahil nawala yata sa isip ni Lina na mga botante rin ang mga ito.
‘Kaya tuloy bukas Aug. 28 may ‘no remittance’ ang mga OFW’s around the world.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.