^

PSN Opinyon

‘Kapalpakan, kapabayaan sa irigasyon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NANANAWAGAN ngayon ang mga pobreng magsasaka, church leader at mga environmentalist sa National Irrigation Administration (NIA) at sa Palasyo.

Panahon na ng taniman pero ang mga literal na ‘hampas-lupa’ sa probinsya ng Kalinga, dalawang linggo nang naaantala. Papaano ba naman kasi pumalpak ang kontraktor ng NIA sa proyektong Upper Chico River Irrigation System (UCRIS).

Hindi tinapos ang trabaho sa tamang panahon. Ang matinding naaapektuhan at napiperwisyo mga residente sa lugar. Nasira ang kanilang farming calendar at cropping cycle dahil sa kapalpakan at kapabayaan ng nakaupong administrador ng NIA na si Florencio Padernal.

Hindi ito haka-haka. Mismong ang mga magsasaka, nanghimasok na rin ang simbahan at grupo ng mga makakalikasan ang nag-iingay sa problemang ito ng patubig sa Kalinga.

Sa probinsya palang ng Tabuk 6,801 ektarya na ang nasira ang pamumuhay habang 8,451 naman sa bahagi ng Quezon. Kung susumahin, 15,252 ektaryang lupain ang matinding naapektuhan.

Maituturing economic sabotage ang kapabayaang ito sa hindi natapos na patubig na siya sanang magiging sagot sa iniyayabang ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na rice-self sufficiency program ng gobyerno.

Taong 2013 dapat nakamit na ito ng Pilipinas subalit ngayon, nananatili pa rin itong yabang at palabra. Nag-iimport pa rin ang bansa ng tone-toneladang bigas. Ang kanyang sinisisi ang kasamang ulo sa departamento na si Food Czar Kiko Pangilinan.

’Yan ang problema kapag ang dalawang nakaupo sa isang ahensya ng pamahalaan hindi magkasundo, nagpa-plastikan, nagsasaltikan, nagpapataasan ng pilantik ng ihi at natuturuan ng sisi kapag nagkakawindang-windang na sa departamento. Ang napi-perwisyo at naiipit tuloy­ sa kanilang bangayan, taumbayan at mga magsasaka.

Sa malisyosong pag-iisip, pinaghati-hatian nina patay-gutom na kongresista, gobernador kotong at mayor kikil ang nakalaang pondo sa UCRIS kaya nababoy at hindi natapos ng kontraktor ang nasabing irrigation­ project.

Sumulat na kay Pa­ngulong Noy Aquino ang nabanggit na mga apek­tadong residente sa Kalinga na personal na niyang panghimasukan ang problema. Habang sinusulat ang kolum na ito, wala pa ring sagot ang Palasyo maging ang kasalukuyang admi­nistrador na si Padernal na nasa ilalim ni Pangilinan.

May karugtong…

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

AGRICULTURE SEC

ANG

FLORENCIO PADERNAL

FOOD CZAR KIKO PANGILINAN

KALINGA

MGA

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NBSP

NOY AQUINO

PALASYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with