MARAMI na sa mga taga-Maynila ang nasa probinsya na, nagbi-biyahe pa lang o hindi naman kaya paalis palang ng bahay.
Muling nagpapaalala ang BITAG, huwag na huwag iiwan ang inyong mga bahay ng walang nagbabantay.
Napakahalaga ng mayroong tao sa bahay lalo na kung mahaba-haba ang inyong bakasyon.
Sa mga maiiwan naman sa bahay maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras. Hindi garantiya na kapag nasa loob ng mga magagarang subdibisyon ligtas na kayo sa mga akyat-bahay at masasamang-loob.
Doble ingat dahil alam ng mga kawatang nagmamanman ang kanilang loloobin at titirahin.
Sa gabi, mabuting magbukas ng ilaw sa labas ng bahay at bahagyang buksan din ang ilaw sa loob.
Kung kinakailangan, magpatugtog ng radyo o music para alam ng mga dumadaan at iisipin nilang may naiwang residente.
Sakali namang wala talagang maiiwan at uuwi lahat sa probinsya, mabuting ibilin ninyo ang inyong bahay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay pero isipin din na hindi nila ito mababantayan sa lahat ng pagkakataon.
Ipakisuyo na tanggalin ang mga delivery ng dyaryo at walisan ang inyong bakuran lalo na kung kayo ay magtatagal ng linggo o buwan upang hindi mapaghahalataang walang tao.
Ngayong long weekend, para makaiwas sa iba’t ibang uring modus at hindi mabiktima ng mga demonyo sa lupa, mag-log on sa bitagtheoriginal.com click “BITAG Safety Center.”
Mag-ingat, mag-ingat!
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.