Walang kakayahan

DISMAYADO ang mga taga-Quezon City sa pananatili ni C/Supt. Joel Pagdilao sa Quezon City Police District. Sa kabila ng limpak-limpak na gasoline allowances, laksa-laksang patrol cars at mataas na monthly take home allowances na ipinagkakaloob nina Mayor Herbert “Bistik” Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte and councils, patuloy pa rin ang pananalakay ng mga riding-in-tandem, basag kotse gang, restaurant and business establishment robbery hold-ups, pick-up girls/prostitution and street crimes. Patunay ito na walang kakayahan si Pagdilao na pamunuan ang QCPD. Lumalabas na hindi siya in sa mga opisyales sa QCPD, dahil kung kapanalig niya ang kapulisan sa QC, mag-aalsa balutan ang mga kriminal. Maging ang suporta ng ilang barangay officials ay hindi nakukuha ni Pagdilao mula pa noong October 9, 2014 hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan sa tuwing may krimen palaging sira o walang CCTV. Nagkulang si Pagdilao sa pakikipag-dayalogo sa barangay officials kaya kulang ang pagpapatrulya ng mga barangay tanod.

Sa totoo lang mga suki, ang kapaligiran ng ABS-CBN na nasasakupan ng Police Station-10 ay walang patid ang pananalakay ng mga bukas kotse gang at snatching. Ang kahabaan ng Quezon Avenue mula kanto ng West Avenue hanggang South Triangle lantaran ang pick up girls. Nagiging gatasan sila ng mga pulis at gutom na barangay patrollers tuwing hatinggabi. Kailangan bang lumaganap muna ang AIDS bago ka magising General Pagdilao?  Sa Barangay Payatas, Batasan Hills, Holy Spirit at Regalado walang humpay ang patayan na ang pangunahing dahilan ay ang laganap na bentahan ng droga. Ang mga ‘yan ang dapat mong tutukan ng pansin dahil dito nakasalalay ang pagtagal mo sa puwesto. Eto pa, General Pagdilao, ang Aurora Blvd. flyover ay pinamumugaran ng mga batang palaboy na nagsu-solvent. Dito rin ang sampahan ng snatchers at holdaper. Pagtawid  naman ng EDSA, naghambalang ang mga jeepney at SUV dahil ginagawa nilang terminal. Ang payo ko General Pagdilao, lumabas ka sa malamig mong opisina at makipagpulong sa barangay officials nang matulungan kang magpatrulya. Sila ang magiging gabay mo sa araw at gabi bilang force multiflier habang abala ang iyong mga pulis sa pangungolekta ng intehensiya sa mga putahan, sugalan at illegal terminals este, pagpapatrulya sa iyong nasasakupan. Abangan!

Show comments