KAHIT saang direksiyon ka tumungo sa Pilipinas o kahit na huwag na sa buong Pilipinas kundi sa isang lungsod na lang tulad ng Tacloban. Halimbawa nasa kalagitnaan ka ng Tacloban City at lumakad ka patungong North, malamang matutumbok mo ang isang shopping mall kung saan naglipana ang ipinagbabawal ng Saligang Batas at ng Article 280 ng Labor Code na kontraktuwalisasyon.
Lumiko ka patungong East, malamang masumpungan mo ang Jollibee o Mcdo na nagpapairal din ng kontraktuwalisasyon.
Lumiko ka na naman patungong South, malamang may isang giant hardware kang matutumbok na 555 din ang mga empleyado at lumiko ka naman na patungong West, malamang may matutumbok ka rin na isang chain restaurant na puro endo o 555 ang mga empleyado.
Contractualization is not right because it deprives workers of security of tenure, retirement pay o separation pay, and other substantial labor benefits.
Samakatuwid, saang sulok ka man gumala sa Pilipinas laganap ang unrighteousness. Sabi sa Proverbs 14:34: “Righteousness makes a nation great; sin is a disgrace to any nation.”
Kaya papaano maging dakila ang bansang Pilipinas kung ang unrighteousness ay sobrang lawak na parang malaking baha na likha ng walang humpay na ulan at bagyo.
Pero ang kontraktuwalisasyon ay hindi isang natural calamity. Ito ay man-made. Kailangan lang nang mga uring manggagawa na magkaisa para magkaroon nang malaking timbang laban sa mga nagpapairal ng sistemang 555.
Hindi ko hangad na mapinsala ang mga negosyo nila. Ang ipinakikiusap ko lang naman ay tumupad sila sa batas.
Kaya tayo’y magkaisa, huwag magpaisa. Sumali na sa ROSE Movement. Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.