Bicol Congressmen vs. Gov. Salceda

BINAKBAKAN ng mga kongresista from Bicol ang tirada ni Albay Governor Joey Salceda sa suspension of classes sa lahat ng mga school sa boung provice dahil sa Asia Pacific Economic Cooperation informal meeting ngayon buwan.

Kinondena nina Rep. Al Francis Bichara (2nd Dist); Rep. Grex Lagman (3rd Dist); Fernando Gonzales (1st Dist); at Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa hearing ng House Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development  last week kasi raw mukhang pag-abuso ang suspension order  ni Salceda sa Dec. 8 at 9 just for the program.

Nagalit sina Bichara at Lagman na alaws kapangyarihan ang Office of the Governor para magsuspinde ng klase dahil lamang sa arrival of Apec Summit meetings. Ang programang ito ay dehins affected ang mga school partikular ang 1st at 3rd district dahil ang conference ay sa Oriental Hotel sa Legazpi City.

Nabilad ang  suspensyon order ng mga  klase sa pagdinig ng umanoy premature na pag-uutos ng gobernador para sa evacuation ng mga residente sa paligid ng Mayon Volcano.

Pumalag si Rep. Gonzales ng iungol este mali ipagtanggol pala  ni DepEd Regional Director Ramon Fiel Abcede si Salceda sa pagbatikos este pagdinig pala dahil may power daw si Governor na suspindihin ang mga klase.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binira ni Gonzales ang sinasabi ni Abcede kung ito ba ay memorandum circular, naipasang batas ng kongreso, o exe­cutive order ang pinagbabasehan ng kautusan ni Salceda.

Abangan.

PNP - oplan lambat sibak este sibat pala

MAGANDA ang ipinamalas ng mga tauhan ng Philippine National Police sa madlang people nitong mga nakaraan buwan dahil hindi mabilang sa kanilang mga daliri ang mga nasungkit nilang mga masasamang loob na walang ginawa kundi ang magtulak ng pinagbabawal na gamot, pumatay, magnakaw, manggahasa, mangarnap, mangholdap at mangidnap kaya naman naging popular ang kanilang oplan ‘Lambat Sibat,’ na pinaiiral nila simula ng umupo at bantayan ni SILG Mar Roxas ang kilos ang kapulisan sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, in aid of ‘election?’ Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may police visibility na ngayon hindi lamang sa gabi kundi maging umaga, tanghali at hapon.

Sabi nga, 24/7 sila ngayon!

Bakit? 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi na uubra ngayon ang istilo nang mga malatubang police na , ‘now you see, now you don’t ang mga kamote.’

Sabi nga, nagdu - duty na sila ngayon ang baka maikanta sila na pakaang-kaang sila at sa kangkungan sila maitsa.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ipinakikita ni Roxas sa telebisyon naeengganyo tuloy ang madlang people na pumanig at maniwala sa kanyang kakayahan na kayang nitong patakbuhin ang Philippines my Philippines laban sa kriminalidad.

Totoo kaya ito? Ano sa palagay ninyo mga katoto.

Ika nga, Bakit ngayon lang?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagpasok ng 2015 patungong 2016 ay full blast na sila sa kampana este mali kampanya pala hindi para paghandaan ang erection este election pala kundi ang labanan ang lahat ng uri ng mga karumaldumal na krimen. 

‘Ano ang masasabi mo dito General Garbo, Sir? ‘Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas maganda siguro kung biglang pupuntahan ni Roxas ang MPD station 1 para malaman niya ang mga ginagawa rito ng mga malatubang parak na pumapatong sa lahat ng uri ng bisyo at droga.

Sabi nga, abala ang mga kamoteng pulis dito sa paggawa ng pitsa?

Abangan.

 

Show comments