^

PSN Opinyon

Habol sa Undas: Panawagan sa mga yumao

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Dr. Jose Rizal bayaning dakila

sa iyong libingan ay magbangon sana

at sa ating kabataan iyong ipamukha

na dapat mag-aral tulungan ang bansa!

 

Sa ngayo’y maraming kabataan natin

ay lubhang masama kanilang layunin;

Kung ugaling Rizal inyong mamanahin

hanggang sa tumanda – mabubuting lider!

 

Andres Bonifacio, bayaning matapang

magbangon ka na rin sa iyong libingan;

Mga tao ngayon iyong pagsabihang

sa pagtatrabaho bawal ang nakawan!

 

Ang hawak mong itak muling iwasiwas

tigpasin ang leeg – mga taong hudas;

Iyong ipakitang ang ginhawang hanap

ay makakamit lang ng taong matapat!

 

Sa iyong libingan Pangulong Magsaysay

ay magbangon ka ri’t kami ay pagmasdan;

Mga taong labas iyong pagsabihang

sila ay magbago’t mahalin ang bayan!

Sapagka’t sa ngayon magiting na lider

sa lahat nang dako ay maraming taksil;

Kaaway ng batas hindi tumitigil

katulad ng Abu at saka NPA!

 

Mabunyi’t dakilang Senador Aguino

sa iyong libingan kami’y malasin mo

Ang galing mo’t husay sa panahong ito

hinahanap ngayon naming Pilipino!

 

Kung di ka pinatay sa iyong pag-uwi

sana’y pangulo kang mataas ang uri;

Iyong itatakwil tiwaling kakampi

kung kami ang “boss” mga “boss” na api!

 

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

DR. JOSE RIZAL

IYONG

KAAWAY

MABUNYI

PANGULONG MAGSAYSAY

SENADOR AGUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with