EAGA@20

UMABOT na rin sa 20 taon ang Brunei, Indonesia, Malaysia and the Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) geo-economic grouping simula nang itinatag ito noong March 20, 1994.

Sinimulan ito ni dating President Fidel Ramos nang hikayatin niya ang mga heads of state ng Brunei, Indonesia at Malaysia na magkaisa ang mga sub-regional areas nito gaya ng East Indonesia, East Malaysia, Min­danao at Palawan at ang Brunei Darussalam bilang isang economic group.

Itinatag ang EAGA noong 1994 dito rin sa Waterfront Insular Hotel Davao sa seremonyas na dinaluhan pa nga ni dating Prime Minister Mahathir.

At ngayon ay 20-taong gulang na ang EAGA.  At ito ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang BIMP-EAGA Business Leaders’ Conference at ang pagpupulong ng mga ministers ng mga apat na component countries nito na idinaos sa SMX Center sa SM Lanang Priemiere dito sa Davao City.

Kahit paano ang cooperation sa pagitan ng apat na bansa ay nanatiling matatag sa paglipas ng panahon.

Ngayon ay problema ay ganito, sa hinaba-haba naman ng panahon ay hindi pa rin nagkaroon ng tuloy-tuloy na cross-border travel sa pagitan ng Mindanao, Palawan at ang ibang mga EAGA areas.

Mas madali kung ang biyahe ay sa pagitan ng Brunei, Indonesia at Malaysia. Talagang puwedeng pabalik-balik lang sila sa pamamagitan ng bus trips.  

Ngunit iba ang naging sitwasyon ng Mindanao at ng Palawan. Ilang airlines na at ilang pagkakataon nang nabuksan ang direct air linkages sa pagitan ng Davao City at ng Manado sa North Sulawesi, Indonesia. Andun na ang Garuda Airlines, Bouraq Airlines at maging ang Air Philippines na binuksan nila ang nasabing ruta ngunit parating nahihinto dahil nga sa kulang ang load factor.

Pareho rin ang nangyari sa Zamboanga City at Sandakan sa Sabah, Malaysia. Hinde rin nagtagal ang mga nasasabing biyahe.

Ngayon, may 20 taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagkaroon ng regular direct flights sa mga nasabing area. Ano ang ibig sabihin nito sa kooperasyon na umiiral sa EAGA?

Sana mapagtuunan na rin ito ng pansin ng mga kinauukulan na magkaroon na nga ng regular na direct flight sa pagitan ng EAGA areas at nang sa ganun ay talagang totoohanan nang maging malakas ang nasabing connectivity.

Show comments