ALAM n’yo bang hiniwalayan ng isang dating congresswoman ang kanyang mister at sumama sa matikas niyang bodyguard?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Silvestre “Bebot” Bello III ng 1-BAP partylist, Admiral Reuben Lista, Atty. Jun Crudo, Atty. Cesar Brillantes, Ret. Col. Joe Mina, Karl Macalma at Amadeus Amador Andrada.
Alam n’yo bang hiniwalayan ng dating congresswoman ang kanyang mister para makasama na ang kanyang lover boy na pulis? Ayon sa aking bubwit, nag-file ng annulment of marriage si dating congresswoman at nang maaprubahan ng korte, pinakasalan kaagad ang kanyang bodyguard na pulis.
Nakikiuso yata si Madam sa isang kongresista, sa isang Cabinet secretary at isang lady justice na nahuhulog ang loob sa kanilang matitikas na bodyguard.
Ayon sa aking bubwit, kahit noong hindi pa hiwalay sa kanyang mister si Congresswoman, lihim na pala itong may illicit affair sa kanyang matikas na bodyguard. Sila ay nagdi-date sa abroad. Ginagawang Quiapo lang ang Hongkong at Singapore. Nakakarating pa sila sa Amerika dahil may pork barrel pa noon si Madam.
Dahil annuled na ang kasal ni Congresswoman at binata naman ang bodyguard, nagpakasal sila kamakailan sa Pampanga. Congratulations!
Ang bagong kasal ay sina dating Partylist Congresswoman B. as in Babaeng uhaw at si PO2 C. as in Catalino.