Citizen 2nd Class
DIASPORA. Isang salitang Greek na madalas naririnig kapag napag-uusapan ang mga overseas contract wor-kers (OCW). Ang translation ng Diaspora sa ingles ay scattering. Kaugnay ng ating OCW, ang diaspora ay tumutukoy sa mass movement ng malaking bahagi ng populasyon palabas ng sariling bayan.
Tulad ng iba ring lahi na naghahanap ng swerte sa ibang bansa, ang ating mga kababayan ay madalas nakararanas ng panghahamak at pambabastos galing sa mga mamamayan ng bansang tinutuluyan. Kesyo sa Amerika at Europa na taal ang karamdamang superyor ng mga puti laban sa mas maiitim ang balat o sa ibang bahagi ng Asya at sa mga Arabo, ang resulta ay tinatrato tayong 2nd class citizen.
Mauunawaan natin ang kanilang galit na ang ugat ay inggit. Ito’y dahil mas nabibigyan ang Pinoy at iba pang immigrant o OCW ng pagkakataon na hindi nakukuha ng sariling mamamayan. Kahit sinong nakikipagsapalaran ay handa sa ganitong treatment – bukas ang matang haharapin ang hamon para sa pagkakataong gumanda ang takbo ng buhay. Ganoon talaga. Pag-uwi na lang sa Pilipinas ay saka na lang mararamdaman ang ginhawa na ang lahat ay pantay pantay.
Subalit mula nitong nakaraang linggo ay hindi na ganoon sa Pilipinas. Gaya nang nangyari noon sa kaso ni Corporal Daniel Smith na nanggahasa sa isang kababa-yan nating itinago sa pangalang “Nicole” noong 2005, ipinuslit ng US Embassy sa kanilang building si Jonathan Pemberton, isang US Marine na inaakusahang pumatay kay Jenny Laude, kababayan nating taga Olongapo.
Iniimbestigahan ng ating law enforcement agencies ang nangayaring pagpatay – isang malinaw na murder case - at ang pagkasangkot ni Pemberton. Positibo na itong kinilala na siyang huling kasama ni Laude bago pumasok sa hotel kung saan ito natagpuang patay. Maging ang CCTV camera footage ay pinapakita na sabay silang pumasok sa kuwarto.
Si Pemberton ay nandito sa bansa bilang kawani ng American troops na nag-eensayo sa bansa sa ilalim ng PH-US Visiting Forces Agreement (VFA). Sa ilalim nito, maa-ring manatili sa custody ng mga Amerikano si Pemberton habang ito’y iniimbestigahan at ang kaso ay nililitis. Isa itong pribilehiyo na hindi ibinibigay sa sarili nating mamamayan.
Maging sa Pilipinas ay 2nd class citizen tayo. Ano ba naman ito?
- Latest