^

PSN Opinyon

Suwerte, malas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PERA na naging bato pa. Ito ang pahayag ng isang nanalo umano ng lotto na may premyong P12 milyon, nang mangitim ang kanyang ticket matapos plantsahin. Nalukot ang ticket kaya pinlantsa. Hindi tuloy mabasa ng makina ng PCSO ang nasabing ticket, kaya hindi puwedeng ibigay ang napanalunan dahil sa patakarang “no ticket, no payment”. Ginawa ang patakaran dahil sa mga pumupunta sa PCSO at sinasabing sila ang nanalo pero nawala ang ticket at kung anu-ano pang mga dahilan. 

Ang ticket ng lotto ay gawa sa thermal paper. Init ang ginagamit para mag-imprenta sa papel. Kaya kapag pinlantsa, talagang mangingitim. Nakasulat ang mga babala sa likod ng ticket, pero sa totoo lang, iilan lang ang nagbabasa nito. Ayon sa PCSO, wala silang magagawa sa ticket, kahit kinumpirma na ng outlet kung saan tumaya ang nanalo ang nagbenta ng nanalong ticket. Kaya sa mga mahilig tumaya ng lotto, alagaan ang ticket, huwag plantsahin!

Pero mabuti na lang at hindi niya inunahan ng selebrasyon kahit hindi pa nakukubra ang panalo. Naaalala ko ang mga nanalo sa “Number Fever” ang promo ng Pepsi-Cola Bottling Company noong 1992. Titingnan lang ang numerong naka-imprenta sa ilalim ng tansan, at kung lumabas ang numero sa ginagawang pagbola araw-araw, mapapanalunan ang premyong nakalagay din sa tansan. Lumabas ang numerong “349” sa bola. Marami ang “nanalo” pero may security code pala ang mga tansan na nakalagay sa ilalim ng mga numero at premyo sa tansan. Kapag hindi nagtugma ang security code para sa araw na lumabas ang numero, hindi mananalo kahit nakuha ang tatlong numero. May mga nagselebrasyon, partikular ang mga nanalo ng P2 milyon. Nadismaya sila nang malaman ang tungkol sa security code na hindi nagtugma sa inilabas ng Pepsi. May nagdemanda sa Pepsi, hanggang sa umabot sa Supreme Court na naglabas ng desisyon noong 2006 na walang sala ang Pepsi. Hindi sila mapipilit magbayad sa mga “nanalo”.

May kasabihan na huwag magbilang ng manok hangga’t hindi pa napipisa ang itlog. Katulad ng nangyari sa “349”, may gumastos na kahit wala pa nsa kamay nila ang napanalunan. Sa negosyo may mga ganyan din. Hindi pa napipirmahan ang kontrata, ginagastos na ang komisyon. Kapag hindi natuloy ang transaksyon, baon sa utang.

KAPAG

KAYA

NANALO

NUMBER FEVER

PEPSI-COLA BOTTLING COMPANY

SUPREME COURT

TICKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with