Magkumare, maglalaban sa pagka-mayor

ALAM n’yo bang nagsolian na ng kandila ang magkumareng-dikit dahil sa away sa pulitika?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Ben Evardone ng Eastern, Samar, Congresswoman Angelina Tan ng Quezon, Salvador Reyes ng Uratex, Sis Tess Fajutagana ng IFI, Leth Abinales ng DZRH, Marie Zafra at Bro. Virgilio de Francia.

Alam n’yo bang matindi na ngayon ang away ng dalawang magkumareng pulitiko samantalang napa-kainit noon ng kanilang samahan?

Ayon sa aking bubwit, ang away ng magkumare ay nagsimula nang imbestigahan ng Senado ang kanyang ama na dawit sa diumano’y overpriced na parking building sa Makati City.

Ito ay ang Makati City Bldg. 2 na nagkakahalaga ng mahigit P2-B na ipinatayo ni Vice President Jojo Binay noong siya ay mayor ng Makati City.

Dahil sa parking building at iba pang mga akusasyon ng anomalya laban sa mga Binay, nadamay na pati ang kaniyang mga anak kasama na si dating Mayor Elenita Binay, Mayor Junjun Binay, Sen. Nancy Binay at Congresswoman Abby Binay.

Dahil si Sen. Alan Peter Cayetano ang isa sa tatlong senador na nag-iimbestiga sa naturang anomalya ng parking building, tuluyan nang nag-away ang kanilang pamilya.

Ayon sa aking bubwit, bilang ganti naman ng mga Binay laban kay Sen. Cayetano, ang gagawin ngayon ng kumareng si Cong. Abby Binay ay lalabanan si Mayor Lani Cayetano sa pagka-Mayor sa Taguig City sa 2016 elections.

Dahil graduating na sa Kongreso si Cong. Abby Binay, bumili siya ng condo unit sa The Fort, Taguig City upang ito ang kanyang magiging residence bago tumakbong mayor laban kay kumareng Mayor Lani Cayetano.

Wow, grabe ang away ng magkumare. Kaya sa 2016, abangan ang sagupaan ng magkumareng Abby at Lani.

 

Show comments