^

PSN Opinyon

Cabinet secretary, napilayan sa sports competition sa Malacañang

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo bang nabalian at sinimento ang paa ng isang Cabinet secretary dahil sa sports competition sa Malacanang?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Dean Venancio Padilla ng Universidad de Manila College of Law, Atty. Abraham ‘‘Abe’’ Vermudez, Gen. Diony Mamaril ng BJMP, Joey Marquez ng Anito Lodge, Rizalina Domingo at Bro. Karlo Domingo ng Saigon Lodge.

Alam n’yo bang nabalian ng paa ang isang Cabinet secretary matapos maglaro ng basketball sa isang sports competition na nilahukan mismo ni President Noynoy Aquino. 

At alam n’yo rin bang isinakay naman sa wheelchair, dahil hindi na nakalakad ang dalawang matandang Cabinet member dahil sa sobrang pagod sa palaro?

Ayon sa aking bubwit, dahil merong hidwaan ang ilang Cabinet members, ipinasya ni P-Noy na magpatawag ng team building. At bahagi ng team building ang isang sport activity.

Ito ay ang paglalaro ng basketball at volleyball ng Cabinet secretaries. Exclusive lamang ito sa secretaries, hindi kasama rito ang Undersecreta-ries, Assistant Secretaries at kanilang mga staff.

Sa mga naglaro ng basketball, nanalo ang team ni TESDA Director General Joel Villanueva. Siya ang top scorer dahil Varsity player pala noong estudyante pa.

Ayon sa aking bubwit, naging masaya ang sport activity bilang bahagi ng team building suba­lit nabahiran din ito ng nerbiyos at kalungkutan dahil muntik nang maubusan ng hininga  ang dalawang secretary. Sila ay hinapo at isinaakay sa wheel chair.

Ang Cabinet secretary naman na minalas dahil nabalian ng paa sa basketball game ay si DepEd Sec. Armin Luistro.

ANG CABINET

ANITO LODGE

ARMIN LUISTRO

ASSISTANT SECRETARIES

AYON

DAHIL

DEAN VENANCIO PADILLA

DIONY MAMARIL

DIRECTOR GENERAL JOEL VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with