HINDI naman siguro kaila sa madlang people na sa Huwebes may mga kilos protesta ang ilan nating mga kababayan o nagsasabing sila’y makabayan dahil nag- ÂÂnÂgiÂÂÂngitÂngit na sa galit dahil hindi naman daw naaksiyunan ang pork barrel scam.
Naku ha!
Ano na naman ba ito ?
Ngayon si P. Noy na mismo ang pinatatanggal at pinanaÂnagot sa PDAF scam. Parang narinig ko na ‘yan noong mga nakaraang rally. Si Noynoy mismo raw ang “pork barrel king.â€
Teka ano ang nangyari pagkatapos nuon? Nag-iwasan sila sa pansitan nang si P. Noy na ang kanilang binabatikos.
Noong sila’y huling nagmartsa sa Makati, naging matamlay ang pagsama ng ilan at lumayo mismo ang karamihan, gayung libu-libo madlang raliyista at buong puwersang nakikibahagi ang mga ito sa mga kilos protesta laban sa diktadurya at panggigipit sa ating mga karapatang pantao.
Nakakaloko hindi ba? Ah, hindi! Ito lang ang aking masasabi, hindi basta-basta kakagat ang ating madlang people dahil lang may kilos protesta inorganisa dahil daw sa pork barrel.
Kasi talaga namang ginugulo ng iilan ang isyu ng pork barrel scam.Tulad na lang niyan na si P. Noy ang sisisihin gayung siya na nga ang unang Pangulong bumuwag sa organisadong pangungurakot ng ilan nating mga mambabatas.
Sa halip na yung mga “PDAF boys†ang kanilang ililitson sa martsa, si P. Noy na mismo ang kanilang gagawan ng effigy kasama sina Budget and Mangement Secretary Butch Abad, Agriculture Secretary Proceso Alcala at TESDA Director General Joel Villanueva.
Ang hindi ko maintindihan, ito ba ay dahil sa sangkot sila sa mga anomalya sa PDAF, o dahil kabarkada lang talaga sila ni P. Noy. Aba, medyo nakakapagduda na nga yata ang kanilang mga motibo.
Tulad na lang ni Secretary Procy Alcala, pilit na dinadawit sa PDAF, gayung noong siya ang kongresista sa Quezon, hindi naman siya nasangkot sa anumang anomalya sa pork barrel.
Nakita ko ‘yung dalawang affidavit ni Janet Lim-Napoles, wala naman talagang nakalagay na kasalanan ni Alcala bilang kalihim, kundi ang paggamit sa ahensiya nong nakaraang rehimen para huthutan ang ating pamahalaan.
May narinig pa ng mga kuwago ng ORA MISMO, na si Abad daw ay mayroon talagang kwestiyunableng transaksyon sa PDAF niya noong siya’y mambabatas. Pero bakit biglang nasabing “mentor†na raw siya ni Napoles sa ikalawang affidavit nito? Siguro ang dapat tingnan muna ng madlang people ay kung wasto nga ba ang paggamit ni Abad sa mga pondo ng ating kabang bayan para mabilis na maisakatuparan ang maraming programa ng pamahalaang Aquino bago siya gawan ng isang effigy.
Sa ngayon wala pa namang nakikitang kaso rito bilang hepe ng Department of Budget and Management kundi ang mabagal na proseso sa kaniyang tanggapan.
‘Eto namang si Joel Villanueva,ang nakiÂkita ko lang nakasalanan ay ang pagiÂging mukhang “epal†lang talaga. Hehehe !
Wala pa rin narinig ang mga kuwago ng ORA MISMO, na nakapagnakaw na siya sa kaniyang ahensiya, dahil baka hindi lang si Brother Eddie ang magalit sa kaniya, kung hindi si ‘Lord’ mismo.
Baka nakakalimutan na natin na si Pangulong Gloria Arroyo pa rin ang nasasakdal sa mga kasong pandarambong at mga mambabatas naman natin na nagpasasa noong nakaraang administrashon ang iniimbitigahan sa PDAF scam.
Ang nakakabuwisit nito sa “Araw pa ng Kalayaaan†gagawin ang kanilang mga kilos protesta.
Kung ako sa ating mga kababayan na galit nag galit na sa mga panloloko sa atin, duon nila ituon ang kanilang enerhiya sa pagsama sa kilos protesta laban sa panggigipit ng China. Dito maniniwala akong ito ay kanilang ginagagawa bilang makabayan.